^

PSN Showbiz

Sharon, nag-aalala sa pagsasama uli nila ni Goma

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharon, nag-aalala sa pagsasama uli nila ni Goma
Sharon at Richard

Nakararamdam ng kaba si Sharon Cuneta sa gagawing reunion movie nila ni Richard Gomez. Naging magkasintahan ang dalawa noon at para sa Megastar ay nanatili naman silang magkaibigan ng aktor.

“Naging very good friends kami, like me and Robin (Padilla, naging kasintahan din), si Richard at ako, always kami friends. Never kami nag-away, nag-split kami nang maayos, maayos ulit. I have to admit I’m a little nervous. Kasi we’re going to do another movie together. Fifteen years na ‘yung dumaan since ‘yung huling movie namin together. So parang ninenerbiyos ako,” pagbabahagi ni Sharon.

Ayon sa Megastar ay siguradong maraming mga bagay na ang nagbago sa kanilang personal na buhay ni Richard kaya kinakabahan siya sa muling pagtatambal. “Mayor na siya and ang da­ming bago. Ang daming hindi ko alam, ‘yung side niya na ‘yon. Ninenerbiyos ako baka iba na siya,” dagdag pa ng aktres.

Makakasama rin ng tambalang Sharon-Richard sa Three Words To Forever ng Star Cinema si Kathryn Bernardo.

Nakatakdang ipalabas ang nasabing pelikula bago magtapos ang taon.

Vice natutuwa pag pinapanood sila Richard at Dingdong

Ikatlong linggo na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang The Hows Of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Masayang-masaya si Vice Ganda para sa naging tagumpay ng pelikula na sa ngayon ay mahigit limangdaang milyon na ang kinita.

“Triumph ‘yun ng buong showbiz industry, triumph ‘yun ng Star Cinema at triumph namin bilang magkakaibigan. For the longest time kasi hindi gano’n kalalaki ang kinikita ng mga pelikula. Kaya no’ng kumita sila ng malaki, sumisigaw kaming lahat. Sabi namin, ‘Taray! May bonus ang mga empleyado.’ Saka deserved ng lahat, deserved ng KathNiel, deserved ng audience,” nakangi­ting pahayag ni Vice.

Samantala, abala na rin nga­yon ang Phenomenal Box Office Star sa shooting ng Fantastica na isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival sa darating na Kapaskuhan. Kasama ni Vice sa malaking pelikulang ito sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes sa kauna-unahang pagkakataon.

“Maganda ‘yung dynamics kasi ‘yung mga makakasama ko first time nilang makikitang makakasama ko. First time na ‘yung dalawang artists magsasama sa pelikula. Nakaka-excite at nakakatuwa kasi ibang Dingdong at ibang Richard din. Sobrang walang pakialam na Dingdong at Richard. Natutuwa ako ‘pag pinapanood ko sila during shooting, nakikita ko sa kanila ‘yung mga hindi ko nakikita sa kanila dati. Naglalaro lang sila, sobrang fun nila sa movie na ‘to,” kwento ni Vice.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with