^

PSN Showbiz

Aktres na maganda at inglisera, certified magnanakaw!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang isang magandang aktres na dapat ay bumida sa isang bagong serye ngayon ng isang sikat na magka-loveteam.

Sa kuwento kasi ay pinagbintangang magnanakaw ang magandang young actress, kahit hindi naman, pinagbintangan din itong mandurukot.

Naalala ng mga miron sa umpukan ang isang magandang aktres na mas maganda sanang kinuha ng produksiyon para gumanap na magnanakaw. True-to-life daw kasi ‘yun, hindi na iaarte pa ng magandang aktres, dahil maraming nakakaalam tungkol sa kanyang mga kamay na gumagapang.

Kuwento ng unang miron, “Naalala n’yo pa ba ang paniningil sa producer ng isang may-ari ng bahay na pinagsyutingan dati ng movie nila na kasama ang matingger-Z na babaeng ‘yun?

“Paano, kinuha niya ang mga naka-display na mamahaling kagamitan sa house na ‘yun! Wala pang CCTV camera nu’n, pero nakita siya ng mga kasambahay na inilalagay niya sa maleta niya ang mga figurine!

“Natural, may-I-deny ang hitad, hindi raw niya magagawa ang ganu’n, madatung daw siya, kayang-kaya raw niyang bumili ng mga stuff na ibinibintang sa kanya!

“Kaso, ilang beses na pala siyang nadadamay sa ganu’n, dahil nu’ng minsang nag-shooting sila sa isang hotel, e, ginetlak din niya ang mamahaling flower vase! Nakita siya ng isang roomboy na kinukuha ang flower vase, saka niya inilagay sa isang malaking bag!” napapailing na kuwento ng aming source.

Pero ang talagang hindi makakalimutan ng magkakatropa ay ang reklamo ng isang sikat na photographer na biniktima rin ng mga kamay na gumagapang ng magandang aktres.

Kuwento ng isa pang miron sa umpukan, “’Yung incident na ‘yun, e, hindi na niya puwedeng idenay! Siya lang talaga ang gumawa nu’n, wala nang iba, siya lang talaga!

“Ipinagamit sa kanya ng photographer ang sarili niyang CR sa girl dahil may tao sa common comfort room. Aba, ang girl, pinagkukuha ang mga sabon at branded na stuff ng photographer. Tinangkas niya talaga, pati ang mga towel!

“Hindi mo iisipin na matingger-Z ang babaeng ‘yun, kasi, Inglesera siya at maganda! Parang napakasosi ng dating niya, pero saan ka, talagang malikot ang mga kamay niya!

“Napakaigsi ng kanyang name para mahirapan tayong matandaan kung sino siya. Sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Robin walang kabuluhan ang pinaglalaban, inapelang sa pagtaas ng presyo ng pagkain ang pakialaman

Biglang nawala pero bumalik na uli ang Facebook account ni Robin Padilla. Siya mismo ay takang-taka, hanap siya nang hanap ng kanyang account, pero ang sagot ay no data available.

Nagkaroon agad siya ng duda na siguradong may grupong nag-report sa pamunuan ng FB tungkol sa ginawa niyang pagtutok sa kasong kinasasangkutan ni Senador Antonio Trillanes.

Mula nang pumutok ang isyung ipahuhuli ang senador ay pinagkaabalahan na ng action star ang pagpunta-punta sa opisina sa Senado. Meron siyang sariling coverage sa pamamagitan ng kanyang FB.

Puro mapanghusgang litanya ang binibitiwan ni Robin, pinakapinagpistahan ang kanyang salitang, “Lumabas ka d’yan! Huwag kang magtago sa saya ng Senado!”

Nagbalik pa nga siya uli sa Senado, ayon sa action star ay puwede niyang hulihin ang senador, citizen’s arrest ang terminong ginamit niya.

May mga sumasang-ayon kay Robin, pero mas marami ang nagsasabing OA na siya, dahil kung anu-anong aksiyon ang ginagawa niya na wala raw namang kabalbalan.

Sabi pa ng isang nam-bash kay Robin, “Amnesty ang ibinigay kay Senador Trillanes na ang ibig sabihin, e, uma­min siya sa kasalanan niya at binura na ‘yun mula nang bigyan siya ng amnesty. Parang walang nangyari.

“Ang hawak na document ni Robin, e, parole lang. Binigyan lang siya ng absolute pardon ni President Rodrigo Duterte. Nand’yan pa rin ang kaso niya, hindi burado, malaki ang pagkakaiba ng presidential pardon sa amnesty sabi ng basher ng action star.

At ang bira kay Robin Padilla na may halong komedya, “Kesa sa bantayan mo ang paghuli kay Senador Trillanes, e, gumawa ka na lang ng paraan para bumaba ang presyo ng siling-labuyo!

“Makatutulong ka pa, hindi ‘yung ganyan na epal ka nang epal, napaka-OA mo!”

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with