^

PSN Showbiz

Jake nilait ang romcom movie, fans ng Kathniel bumuwelta

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake nilait ang romcom movie, fans ng Kathniel bumuwelta
Jake

Nag-apologize kahapon sa Twitter si Jake Cuenca matapos magwala ang KathNiel fans sa kanyang tweet na : #goyo is a trea­sure! As Filipinos its our obligations to watch the film! It’s our heritage our history more than rom coms we need to watch this film to learn. It’s our local Lincoln!”

Siyempre literal na pumalag ang KathNiel fans sa sinabi ng aktor na kaibigang matalik ng bida ng Goyo : Ang Batang Heneral na si Paulo Avelino.

Ang question nila, bakit kailangan pang magbanggit ng romcom eh puwede namang i-promote na lang ni Jake ang Goyo na walang ganun.

Feeling nila, magkakasama naman sila sa isang network at dapat maging masaya na lang ang aktor sa nangyayari sa local film industry. Naalala rin nila ang umano’y sinabi noon ni Jake bakit pare-parehong KathNiels ang nasa cover ng magazines.

Sumubok pa magpaliwanag si Jake : “Not dragging other genres down. We put the same exact effort in making any films regardless. But when something is unique and different we should support it. If we do and it succeeds? We create even more genres of film.”

Lalong hindi siya tinigilan sa pagsagot sa tweet. Ang ibang KathNiel fanatics ay nagsabing inisip nilang panoorin ang Goyo pero sa ginawa ni Jake, nagbago ang isip nila.

 Patuloy na pinipilahan and The Hows of Us habang matamlay ang pagtanggap sa Goyo although ayon sa isang source ay may pila ito sa mga sinehan kahapon.

Walang nagawa si Jake kundi mag-sorry : “I would like to apologize for my tweet. I wasn’t pertaining to another film #thou aside from #goyo. It was wrong of me to compare genres but I wasn’t comparing both films because both films are great. Just happy to have variety in the cinema and we should support them all. My bad,” ang pahayag ni Jake.

May point naman talaga. Kung gusto mong pumuri ng ibang pelikula, ‘wag mag-kumpara sa iba lalo na nga at magkakasama sila sa ABS-CBN.

Isang klaro ay hindi mo puwedeng diktahan ang manonood dahil sila ang nagbabayad as of yesterday sinasabing more than P400 million na ang kita ng THOU. 

Pila-pila sa sinehan

Anyway, umaga pa lang kahapon sa isang mall, pila-pila na ang mga manonood.

Confirmed na buhay nga ang movie industry. Walang puwedeng magsabi na sisinghap-singhap ang kalagayan nito.

At mga Tagalog ang pinipilahan. ang The How’s of Us, Goyo : Ang Batang Heneral at lumalaban pa ang Miss Granny.

Nasa story at artista talaga ang formula ng mga pelikulang box office. Wala sa lalim ng kuwento na pag-iisipin ka pa pagkatapos manood.

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with