^

PSN Showbiz

Ritz walang planong isuko ang pagiging ‘Virgin’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ritz walang planong isuko ang pagiging �Virgin�
Ritz

Walang katapat na halaga ang virginity ni Ritz Azul.

Yup. Walang-wala sa plano niyang isuko ang ‘bataan’ kahit magkano at currency pa yan. O ma­ging sa ang magiging boyfriend lang niya kahit bayaran pa siya ng milyun-milyon.

Sa lalaking pakakasalan lang niya planong ipagkaloob ang kanyang pagka-babae na iniingatan niya ng 24 years.

“Ay hindi puwede ‘yun. Walang presyo ito. Priceless,” sagot ni Ritz kahapon sa ‘playtime’ interview bago ang formal question and answer para sa movie nila ni Pepe Herrera na The Hopeful Romantic.

“Hindi naman kasi po mababayaran ‘yung  ginawa kong pagpapahalaga sa pagkababae ko,” sabi pa niya.

Naalala lang niyang may mga natatanggap siyang indescent proposal noon pero walang nakalusot. “May nangyari na sa aking offer na ganyan. Bago pa lang ako nun. Akala ko po, show lang. ‘Yun pala, ganun.

“Kasi nagulat ako nang tanungin ng father ko, sobrang laki ng talent fee eh akala ko kakanta lang. Nang i-discuss namin ng father ko sa manager ‘yun nga ang sinabi niya,” kuwento ng actress sa natanggap niya nung ‘proposal’ nung nasa TV5 pa siya.

Ang pagiging probinsiyana niya ang ibinibigay niyang rason kaya intact ang moral values niya. “Sa upbringing din at sa influence siguro,” dagdag pa ni Ritz.

Pero kahit wala siyang karanasan, nagagawa naman niyang convincing ang mga eksena nila ni Pepe sa The Hopeful Romantic lalo na sa bed scenes. Sa trailer ng movie na showing na sa Wednesday, September 12, kung saan may more than 10 million views na, ang ganda ng eksena nila.

“Dito sinasabi ko agad kay Pepe na ganito, wala akong karanasan. So inaalalayan naman po niya ako all the time sa mga eksena,” sabi pa niya.

Ngayon ay non showbiz guy ang dini-date niya. So ito na kaya ang puwedeng makapagpa-suko sa kanyang iniingatang pagka-babae?

“Tingnan natin, dating pa lang naman.

“As much as possible pag kinasal na kami. Parang ‘yun na kasi ang gift ko sa kanya. Sacred ito talaga.”

Eh paano ‘yun, pati panonood ng porn movies or kahit sa internet wala pa siyang napapanood na intimacy? “Wala talaga. One time nag-try ako. Hindi porn. parang sexy lang, pero nang mag-start na, ayoko na. Naiilang ako.

“Bilang ganito nga ako, hindi ko pa siya ma-take.

“May mga napapanood akong movies, topless, butt exposure pero walang bed scene walang pumping scene,” sagot niya pa.

Wow nakakabilib si Ritz ha.

Siya ang tunay na Filipina na dapat idolohin ha.

Bibihira na ang mga katulad niya sa showbiz. ‘Yung talagang hindi natitinag ang moralidad.

Karamihan sa kanila ay open na sa set up ng casual sex. 

Thumbs up Ritz. Sana nga ay tularan ka ng maraming kabataan ngayon.

At any rate, positive ang dating niya sa role niyang si Veronica na kept woman in the high society world. “Mas gusto ko ganitong movie. Matatawa ka na maiiyak. Mas nakaka-inlove ang ganito at nakaka-excite!

“Sobrang proud ako sa pelikulang ito kasi lahat pinaghirapan namin: ng direktor, producers, writers, at syempre co-actors ko na pinagpuyatan.

“Nakailang revisions kami para mapaganda ang story, para maihatid yung message ng story na may matutunan sila,” sabi pa niya bukod pa sa nagpapayat siya para rito.

FDCP at intramuros admin, may pa-short film challenge

Nakipag-partner ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Intramuros Administration sa paglulunsad ng #WeAreIntramuros, isang 24-oras na short filmmaking challenge na tututok sa cultural awareness at Filipino values.

Sa press conference na ginanap noong Agosto 30 sa Cinematheque Centre ng Manila ng FDCP, kasama ang Intramuros Administrator na si Atty. Guiller Asido, ipinaliwanag ni Chairperson Liza Diño na ang challenge na ito ay upang maengganyo ang mga young filmmakers na mag-explore ng kanilang creativity at craft. 

“Itong challenge na ito ay mangangailangan ng matinding paghahanda ng ating mga filmmakers, kailangan nilang gamitin ang lahat ng resources at bawat minutong mayroon sila. Inaasahan namin ang iba’t ibang tipo ng pelikula na magagawa nila” sabi niya.

Isa rin sa layunin ay gawing lokasyon ang Intramuros para sa pelikula o A/V production. Ang historical backdrop at interesting venues na nasa perimeters ng Intramuros ay inaasahang mai-highlight sa creativity ng mga kasali.

Ang film project ay maaaring kahit anong topic basta ito ay nagtataguyod ng katangi-tanging kaugaliang Pilipino gaya ng hospitality, pagpapahalaga sa pamilya, kasipagan at resourcefulness. Sa pamamagitan ng The Wall Production Fund, sampung (10) kalahok ang makakakuha ng allowance para i-produce ang 3-5 minutes na pelikula. Ang competition ay bukas sa lahat ng young aspiring filmmakers sa High School at College sa Maynila. 
Ang deadline ng submission ng mga entries ay sa Setyembre 20, 2018. Para sa karagdagan detalye, i-like at i-follow ang FDCP social media accounts sa Intagram, Twitter and Facebook page.

vuukle comment

RITZ AZUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with