Heart rarampa sa NYFW, Catriona mukhang naging bilbilin sa sobrang sikip ng suot
Sa New York Fashion Week naman pala lalarga si Heart Evangelista.
Sa kanyang IG post kahapon, paalis siya at nakasakay na sa plane pa-Amerika.
Nasa New York din si Miss Universe Philippines Catriona Gray para sa isang fashion show ng sponsor ng Miss Universe. Pero ang pintas sa kanya, sa sobrang sikip ng suot niyang skirt and midriff top, namumutok na ang bandang tagiliran niya na mukhang bilbil na. Wish ng ibang followers na magsuot naman si Catriona ng fit lang sa katawan niya at ‘wag masikip.
Si Heart naman ay inaabangan ang mga irarampang outfit sa NYFW matapos ngang mapansin sa Paris Fashion Week.
- Latest