^

PSN Showbiz

Zanjoe basted sa pinopormahang teen surfer?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe basted sa pinopormahang teen surfer?!
Zanjoe

Mas tinututukan ang pagpapagawa ng bahay

Isang Batangueño si Zanjoe Marudo na very much single ngayon. Mayro’n siyang isang mango farm sa Tanauan, Batangas na pinatatayuan niya ngayon ng bahay na maari niyang puntahan at mapagpahingahan kapag nagsasawa na siya sa Maynila.

Meron namang bahay ang kanyang pamilya dun pero, gusto niya nung malayo sa kabihasnan at tahimik kaya sa gitna ng manggahan niya naisip na ipatayo ang kanyang bahay. Sa Oktubre matatapos ang construction nito.

Maswerte ang mapapangasawa ng aktor dahil pwedeng dito na nila ganapin ang kanilang honeymoon.

Ang kaso mo, walang nababalitaang nililigawan si Zanjoe. Biglang nawalan ng ba­lita sa kanila ng nali-link sa kanya na young surfer na si Josie Prendergast. Baka after the house, maisip na niyang bigyan atensyon ang kanyang lovelife.

Ticket sa concert ni Daniel nagkakaubusan na

Talagang ayaw paawat ni Daniel Padilla, matapos ang matagumpay na The Hows Of Us nila ni Kathryn Bernardo na nasa ikalawang linggo pa lamang ng pagpapalabas pero, nakikita na agad na mapapatungan ang kita sa takilya ng napakara­ming mga naunang mga tinanghal na box-office movies.

Sagsag sa kanyang paghahanda ng kanyang concert ang Teen King na pinamagatang D4. Magaganap ito sa Araneta Coliseum sa October 13, 2018. Pamamahalaan ito nina Jonnhy Manahan at Marvin Querido.

Mahigit isang buwan pa bago ang D4 pero, ang mga available tickets na lamang ay box, upper box at general admission.

Habol na kayo bago pa magsara ang takilya at hindi n’yo masaksihan ang isa sa mga palabas ng sikat na kabataang perso­nalidad na sisimyento sa kanyang kasipagan.

Correction please…

Nagpasabi si Ms. Harlene Bautista na hindi niya napanalunan ang pagiging Best Director sa short film niyang Kiss kahit pa tinanghal itong Best Film sa 1st Film School Manila Film Festival at naiuwi ng mga artista niya ang acting honors bilang Best Actor and Actress. Sorry, Ms. Harlene.

Kiana at Sam hindi naayos ang problema

Ang bilis namang nagtapos ang relasyon nina Kiana Valenciano at Sam Concepcion. Marami ang nanghinayang na maaga at mabilis nilang natuklasan na hindi sila bagay sa isa’t isa at marami pa silang bagay na aayusin bilang magkarelasyon. Hindi nila marahil nakita ito bilang magkaibigan o baka aware sila pero, inasahan nilang mareremdyuhan nila.

Juan Miguel naitawid ang friendship kay Kathryn

Matagumpay na naitawid ni Juan Miguel Severo ang pagiging isang artista sa The Hows Of Us. Marami ang natuwa sa pagiging nagger friend niya kay Kathryn Bernardo na gagawin ang lahat makamit lamang ang pangarap. Matagumpay naman ang character niya pero, ‘yun lamang, hindi siya masaya, malungkot siya.

Unang nakilala bilang isang makata ang bagong artista na isa rin palang musical artist na mayro’n nang nai-record na kanta sa Polyeast Records. Agad nitong inuna ang pagbili ng sarili niyang sasakyan para agad siyang makarating sa kanyang place of work pero sa kasipagan at tiyaga ay mabilis na maabot ang kanyang pangarap. 

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with