^

PSN Showbiz

Heart, posible nga bang maging first lady?

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Heart, posible nga  bang maging first lady?
Heart

Sigurado namang ipagtataas ito ng kilay ng makakabasa o makakarinig lalo’t isang artista gaya ni Heart Evangelista ang sinasabi ng marami ang pwedeng makarating sa posisyon na inabot nina Madam Imel­da R. Marcos, Ming Ramos, Dra. Loi Ejercito, Eva Macapagal Arroyo at marami pa. Pero, may magagawa ba ang mga tututol dito kung mismong si Pres. Digong Duterte na ang pumili kay Sen. Chiz Escudero para pumalit sa kanya sakali mang matanggal siya sa kinauupuan niya? Kahit walang proyekto sa pelikula man o TV, patuloy na pinag-uusapan si Heart. Pinaka-matunog ang tsansa na baka makasama siya sa sequel ng Crazy Rich Asians.  

Jolo hindi  masyadong  nagamit sa AP

Sayang si Jolo Revilla kung ganun lang ang magiging role niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Dapat nilaki-lakihan naman ang role niya para magmarka siya. Pwede kasi na kahit sino ang gumanap ng role niya. Sana naman sa mga huli niyang nalalabing eksena kasama ang lumalabas na  pangulo ng bansa (Rowell Santiago) at mailigtas niya ito sa banta ng assassination mula kina Edu Manzano at Jhong Hilario at kidnapping mula sa grupo ng vendetta nina Coco Martin at Lito Lapid. Lumaki sana ang role niya para hindi masayang ang panahon niya sa serye. Paging Coco Martin.

 The Hows at Miss Granny ‘di nakakasawang panoorin

Second time ko nang napanood ang The Hows Of Us habang naghihintay ako ng screening time ko ng Miss Granny. Hanggang ngayon hindi pa rin napapawi ang paghanga ko sa movie na pinaka-maganda sa lahat ng ginawa ng Kathniel. SRO ang sinehan na pinanooran ko. Mas lumitaw ang galing ni Kathryn Bernardo.

Pang-Best Actress ang ipinamalas niyang acting. It will take her a long time na makagawa ng isa pang ganito kagandang pelikula. It will also take a long time para makalimutan ng manonood ang THOU.

Ang ganda rin naman ng Miss Granny, nakakaaliw. Bagay kay Pop Royalty Sarah Geronimo ang role at matagumpay niyang nairapos ang movie, kahit walang love interest. Ay, meron pala bilang ang lolang si Nova Villa na may masugid na manliligaw kay Boboy Garovillo.  

Muli, nangibabaw ang ganda ng boses ni Sarah na binagayan din ng mga kanta nung bago mag-milenya. Ang mga lumang kanta ang nakadagdag ng malaki sa entertainment value ng KPop na KPop na Miss Granny. 

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with