^

PSN Showbiz

Painting ni Heart ilalagay na rin sa mga damit

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Painting ni Heart ilalagay na rin sa mga damit

Gagamitin na rin pala ng isang clo­thing line ang mga painting ni Heart Evangelista. Yup, pinakita niya ang sample print sa isang skirt sa kanyang IG a day ago. In all fairness ang bongga. Ang ganda at classy. At base sa reaction ng followers niya, mara­ming naghihintay na ilabas ito sa market para mabili nila. “Hey, this print looks familiar. Something exciting is coming very soon. Stay tuned. #LMinFullBloom,” caption ni Heart sa pasilip niya sa kanyang bagong ‘business venture.’

Wala man kasi siyang TV and movie project, abala naman si Heart sa kanyang mga ‘fashion project.’

Handa na rin ang launching ng kanyang official website. “A few months ago, I decided that it was time to pursue a project that I’ve long wanted - my own website! After months of brainstorming, planning, and creating content, it’s finally here! Lovemarieescudero.com is a culmination of my passions, loves, and life experiences. I can’t wait for all of you to get to know more of me. Welcome to my world. The link is in my bio,” sabi pa ni Heart kung saan makikita sa picture ang collection ng kanyang shoes na pinaglalawayan ng kanyang followers.

Malakas din ang speculations na kasama na si Heart sa sequel ng hit movie na Crazy Rich Asians matapos nga ang kanyang pictorial with other Asian fashion icons for US Harper’s magazine na out na ang hard copy with CRA author Kevin Kwan. Pero ayaw itong i-confirm ni Heart sa kanyang last interview.

Nauna na rin niyang sinabi na dahil sa nasabing pictorial for Harper’s Bazaar, nagdagsaan ang offer niya sa New York and Italy para sa mga fa­shion event sa nasabing bansa.

So aabangan natin kung anong magiging role ni Heart sa CRA 2 na sinasabing gagawin agad. Actually, dalawang character ang puwede kay Heart sa nasabing pelikula base sa napanood ko ha.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with