^

PSN Showbiz

Apelang tulong ni Mystica, pinag-iisipan pa

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Apelang tulong ni Mystica, pinag-iisipan pa
Mystica

SEEN: Si former Senator Bong Revilla, Jr. ang may idea na i-revive ng Imus Productions ang pagpo-produce ng action movies. Siya ang nakaisip na magbida sa isang trilogy action movie ang kanyang mga anak na sina Bryan, Jolo at Luigi Revilla.

SCENE: Si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang bida sa 72 Hours episode ng Tres. Si Jolo rin ang creative director ng Imus Productions kaya may mga pagkakataon na nagkaroon sila ng tampuhan ng direktor na si Dondon Santos pero naayos din.

SEEN: Payat ang katawan ni Jake Vargas pero mataba ang pisngi niya nang dumalo sa presscon ng Ika-5 Utos. Kailangan ni Jake na sumailalim sa Radio Frequency procedure para mabawasan ang pamamanas ng mukha niya.

SCENE: Si Valerie Concepcion ang gumaganap na nanay nina Klea Pineda at Migo Adecer sa Ika-5 Utos. Thirty one years old lang si Valerie, 18-years old si Migo at 19-years old si Klea.

SEEN: “Diamond” ang pamagat ng bagong single ni Jake Zyrus at sa Huwebes ang release nito sa digital stores worldwide. Kapag naging hit song ang Diamond, malaki ang tsansa na magkaroon ng bagong sigla ang matamlay na takbo ng singing career ni Jake.

SEEN: Hindi pa nagdedesisyon ang mga producer ng Ang Probinsyano kung pagbibigyan nila ang mahigpit na pakiusap ni Mystica na tulungan ito ni Coco Martin. Sa Facebook post nito ay nagpaalam muna siya sa mga suki niya ng fried chicken para bigyan ng panahon ang kanyang pagbabalik-showbiz.

“Hindi po muna available ang fried chicken ko para mabigyan ko naman po muna ang sarili ko ng pahinga habang pinaghahandaan ko ang pagbabalik ng aking showbiz career,” sabi ni Mystica.

SCENE: Marami ang nanghihinayang kay Mystica dahil nawala ang mga ari-arian na naipundar niya noong nagtatrabaho pa siya sa Amerika. Naibenta na rin ni Mystica ang malaking bahay nito sa North Susana Executive Village sa Commonwealth, Que­zon City.

vuukle comment

MYSTICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with