^

PSN Showbiz

Coleen, hindi lalayasan ang showbiz

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coleen, hindi lalayasan   ang showbiz
Billy at Coleen

Maglilimang buwan na mula nang magpakasal sina Coleen Garcia at Billy Crawford. Ayon sa aktres ay malaki na talaga ang ipinagbago ng kanilang buhay ngayon ng singer bilang mag-asawa. “Right now everything basically changes. I’m still kind of getting settled in. I think it’s really a process. For us right now there’s no better feeling really and to have a partner that you know you’re going to spend the rest of your life with. It really changes everything. Kasi everything you decide, everything you think of, everything you do, you put the other person into consideration,” pahayag ni Coleen.

Para sa aktres ay mas nadagdagan ang tiwala niya sa sarili mula nang magkaroon ng asawa. “It’s great because no matter what you do, you know you’re supported as well. So that’s how I feel. I feel like I’m never going to lose my partner like hindi ako mawawalan ng kakampi. Hindi ako mawawalan ng taong sumusuporta sa akin at naniniwala sa akin. So it’s really nice feeling to know na kahit anong mangyari, may sasalo sa akin,” paliwanag ng aktres.

Hinding-hindi raw iiwan ni Coleen ang pagi­ging isang artista kahit sinusubukan na nila ni Billy na bumuo ng pamilya. “Marriage hasn’t really changed where I want to go in my career actually. I still have my own goals, my own dreams, and I plan on pursuing that still,” pagtatapos ni Coleen.

Liezel handang isuko  ang career  para sa mapapangasawa

Kamakailan ay nag-propose na ng kasal ang Amerikanong kasintahan ni Liezel Garcia na si Justine Eagle. Masayang-masaya ang dalaga dahil talagang nagulat daw siya sa ginawang ito ng nobyo. “Yes! Until now, surprised pa rin ako. Hindi ko expected na mag-propose nga siya. Nagbakasyon siya dito from States. Sobrang happy ako na nag-spend kami ng time together and before siya nag-fly pabalik sa States, doon siya nag-propose,” nakangiting kwento ni Liezel. “Ganoon pala ‘yung feeling na parang mame-mental block ka ‘pag nandoon ka na sa mismong situation na ‘yon. Very, very happy kasi hindi ko inasahan na mag-aasawa ako eh. Feeling ko tatandang dalaga ako. Sabi ko, ‘Oh my God! This is it! This is really my destiny,” dagdag pa ng singer.

Nakatakdang magpakasal ang magkasintahan sa susunod na taon at ayon kay Liezel ay pansamantala niyang iiwan ang pagkanta. “‘Yon talaga ‘yung plan, kung saan ang gusto ng magiging husband ko doon ako. Kumbaga follow my heart na muna ang peg ko but while I’m still here, I still do my first love, ang pagkanta,” pagtatapat ni Liezel.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with