^

PSN Showbiz

Harlene, best director agad sa unang pelikula

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Harlene, best director agad  sa unang pelikula
Harlene

Marami ang napahinga ng maluwag nang bumalik sa kanyang pag-aartista si Romnick Sarmenta. Sa husay na ipinamamalas niya ngayon sa mga pelikulang gina­gawa niya at maging sa serye sa TV, tama lang na hindi niya ibu­hos ang lahat niyang panahon sa pagmamaneho kasama ng kanyang maybahay na si Harlene Bautista ng kanilang mabilis na nakikilalang kainan, ang Salu Restaurant. Nauunawaan ng marami ang dahilan kung bakit hindi niya maaring bitawan at ipamahala sa iba ang pinanggagalingan ng kanilang malaking kabuhayan kaya, nagulat pa rin sila na malaman na gumawa si Harlene ng isang short film na may pamagat na Kiss na nanalong Best Short Film sa isang festival na sinalihan nito.

Nanalo ring Best Director si Harlene at Best Actor, Best Actress naman ang mga artista niyang sina Kiko Matos at Mercedes Cabral. Sa rami ng nakuhang pagkilala ng Kiss, ibig sabihin lang na may ibubuga sa pagiging direktor ang unang nakilalang mahusay na aktres.

Imelda in demand pa rin sa abroad

Hindi mapasusubalian na taglay pa rin ni Imelda Papin ang kasikatan niya bilang isang singer. Maraming kasabayan niya ang nababalitaan pa rin pero, hindi na kasing in demand na tulad niya na madalas pa ring nasa abroad para tuparin ang maraming demand sa pagiging magaling niyang performer pero, hinihiling pa ring makita’t marinig ng maraming Pilipino.

Napakaganda ang tribute na ipinagkaloob sa kan­ya sa ASAP na kung saan ay na-realize ng marami na magagandang lahat ang mga kanta na kasama siyang pumili. Pinaka-blessing niya ang pagyaya­ring sa panahon ngayon ng bagong milenya, humuhugot pa rin siya. Hindi nga nakapagtataka na ma­kita siyang umiiyak sa tri­bute para sa kanya. Tatak Imelda ‘yun. Pinaka-mala­king baha­gi ng kanyang kasikatan at pagkatao. Tama lang din ang PMPC na sa kanya ibigay ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award sa kanilang Star Awards for Music Award, a Decade of OPM Excellence na magaganap sa September 9 sa Resorts World Manila. 

Paulo hinihintay kung matutulad kay John

Sana nga mag-hit ang Goyo, Ang Ba­tang Heneral na tulad ng nangyari sa He­neral Luna na mas madaling nakapagtuturo sa mga kabataang mag-aaral tungkol sa ­ating mga ba­yani. Heneral Luna was informative and at the same time ay entertaining unlike other pre­vious hero films na nakakabagot. Kung nabiyayaan man si John Arcilla ng paghanga at papuri sa pagganap bilang Heneral Luna, sana si Paulo Avelino rin, total ang gumawa ng Heneral Luna at Goyo, Ang Batang Heneral ay iisa lamang, si Jerrold Tarog.

Alex-Vin may kailangang ayusin

Mukha namang walang masamang epekto ang mga negatibong balita tungkol sa pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka na nagtatampok sa bagong tambalan nina Alex Gonzaga at Vin Abrenica, sa direksyon ng isang bagong direktor din na si Fifth Solomon. Pero, sana maayos nila ang anumang sigalot na bumabalot sa pelikula para sa susunod ay wala nang gulo at intriga.

vuukle comment

HARLENE BAUTISTA

ROMNICK SARMENTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with