^

PSN Showbiz

Jinggoy tuloy pa rin sa pagdalaw kay Bong

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy tuloy pa rin  sa pagdalaw kay Bong
Bong

Habang hinihintay ni Bong Revilla ang magiging kapalaran niya sa loob ng PNP Custodial Center, patuloy na pinalalakas ng bff niyang si Sen. Jinggoy Estrada ang kanyang loob sa madalas na pagbisita nito sa kanya.

Tiyak na matutuwa si Bong sa plano ni Jinggoy na tumakbong muli sa eleksyon 2019. Siguro ay gugustuhin din niyang tumakbo ulit kapag na­bigyan ulit siya ng pagkakataon.

Kasalukuyang Vice Mayor naman nga­yon ng lungsod ng San Juan ang anak ni Jinggoy na si Janella Ejer­cito. Vice go­vernor din naman ng Cavite ang anak ni Bong na si Jolo Revilla at nagtutulung-tulong ang mga ibang anak niya para i-revive ang Imus Productions ng pamilya.

Anak ni Cherie iniwan ang pag-aaral sa NY para mag-pelikula 

Kung may bagong henerasyon ng Eigen­mann ang lumilitaw para ipag­pa­tu­loy ang pamamayani ng ka­ni­lang angkan sa larangan ng pag-aartista, ito ay ang panganay ni Cherie Gil na si Bian­ca Rogoff. Bagama’t aktibo pa rin sa pag-aartista niya si Andi Eigenmann, mas pinagtutuunan nito ng pansin ang pagsisimula ng isang simpleng buhay. Si Bianca ay pansamantalang iiwan ang kanyang pag-aaral ng Bachelor of Fine Arts in Drama sa New York para gawin ang pelikulang Sensitive And In Love na sa Palawan gagawin. Magkakasama sila ni Cherie sa nasabing pelikula.

Roxanne at Joross balik-tambalan

Tampok ngayon ang nagbabalik-tambalan na sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo sa episode mamayang gabi ng Maalaala Mo Kaya.

Isa itong kuwento ng simpleng mag-asawang nagsumikap para mapalaki ang apat nilang anak. Hanggang sa dumating ang isang araw na sinubok ang kanilang katatagan. Namatay ang kanilang isang anak dahil sa isang sakit sa kabila ng paggawa nila ng paraan.

Mula sa panulat nina Akeem Jordan del Rosario at Arah Jell Badayos, mula sa direksyon ni Marvyn Brondial. Abangan ang natatanging pagganap nina Joross at Roxanne sa MMK, mamayang gabi.

vuukle comment

BONG REVILLA

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with