^

PSN Showbiz

Fans ni Darren ibang klaseng mag-alaga

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Fans ni Darren ibang klaseng mag-alaga
Darren

Ibang klaseng mag-alaga ng kanilang idolo ang mga fans ni Darren Espanto na mas kilala bilang Darrenatics. Sa halip na ubusin ang kanilang panahon sa pakikipag-away sa fans ng ibang artista o i-bash yung mga nagbibigay ng negatibong komento tungkol dito na walang layong si­rain ang kanilang idolo kung hindi dagdagan ang kanyang self confidence, sabay-sabay at halos magkakasunod ang block screenings ng The Hows Of Us na isinagawa nila sa ­unang araw ng pagpapalabas ng movie na nagtatampok kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. At lahat nito ay pinuntahan ni Darren. First movie niya ito kaya gustong masiguro ng fans niya na agad itong masusundan.

Kami ng ilang kapatid sa panulat, Erlinda Rapadas, Pete Ampoloquio, Roldan Castro at Vinia Vivar, ay nagpunta sa Cinema 12 ng SM Megamall na kung saan ay napanood namin ang maganda at nakakaiyak na pelikula.

Hindi binigo ni Darren ang kanyang fans with his natural acting. SRO ang sinehan at wala akong narinig na pag-ingay ng Darrenatics, salamat sa magandang pangangasiwa ng Team Baliwag at Team Z para sa kanilang lodi sa pangunguna nina Realynn Laida at Tess Calayan, na nagawa pang makapaghanda ng souvenirs para sa lahat ng nanood, kabilang na ang media.

Congrats sa KathNiel at kay Darren sa pelikulang The Hows… na kumita na ng P35,938,622.74 sa opening day pa lang nito.

Alyssa mas bagay maging aktres

Napakaganda ng apo ng namayapang si Cheng Muhlach at pinsan nina Aga at Niño Muhlach na si Alyssa Muhlach na sumali sa Miss Philippines World. Sa ganda niya nagtataka ang lahat kung bakit sa isang beauty pa­geant siya lumahok gayung pu­wedeng-puwe­de ­si­ya mag-artista? Malalakas ang magiging suporta sa kan­ya ng mga kamag-anak niya. Proud din si­gu­rado ang mga magulang niyang sina Almira Muhlach at Paul Alvarez sa pagpasok niya sa beauty contest. Ibang mundo ito na inaasahan nilang mapagta­gumpayan niya.

vuukle comment

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with