^

PSN Showbiz

Edu hindi pini-pressure sina Luis at Jessy

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Edu hindi pini-pressure sina Luis at Jessy
Edu

Hindi pa naririnig ang reaction ni Edu Manzano sa balitang pagpapakasal nina Luis Manzano and Jessy Mendiola sa November.

Pero nauna nang sinabi ni Edu na hindi niya pini-pressure ang magka-relasyong magka-anak agad kahit excited na nga siyang maging lolo.

Hihihintayin na lang daw niya kung kailan ito mangyayari.

Anyway, consistent si Edu sa pagiging conscious sa kanyang health. Very particular siya sa kanyang mga kinakain kaya naman matikas pa rin ang panga­ngatawan ng aktor/TV host sa edad niyang 60.

Actually, hindi mo nga aakalaing 60 something na siya. Parang 50s lang ang aktor na isa sa mga pinupuri sa Ang Probinsyano. Balance diet siya at regular ang workout kaya wala sa hitsura na nagkaka-edad.

Saka alam mo ‘yun hindi mo makikita na stressed si Edu.  Laging positive ang aura niya.

Ang mahirap lang tanungin sa kanya ay kung sino ang girlfriend niya ngayon. Hahaha. Sino nga kaya?

vuukle comment

EDU MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with