^

PSN Showbiz

Aktres, sumumpang titigil na sa pagpaparetoke

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinupuri ng kanyang mga kasamahan ang pinakahu­ling desisyon ng isang kilalang female personality na madalas na nakakatikim ng mga pamimintas mula sa mga netizens.

Parang wala nang bukas pa kung alipustahin siya ng kanyang mga bashers, lahat na yata ng klase ng pamimintas ay naibato na laban sa kanyang itsura, walang nagkagusto sa pagpaparetoke niya ng mukha at katawan.

Pero mukhang nagising na sa katotohanan ang female personality, pangako kuno niya sa kanyang sarili ay hindi na uli siya magpapaopera ng anumang bahagi ng kanyang katawan, titigil na raw siya.

Kuwento ng aming source, “Kung mapapansin n’yo, e, ang parang kinagat ng langgam na nguso na lang niya ang pinakahuling ipinaretoke niya. Hindi na ‘yun nasundan pa uli.

“Kasi nga, e, nadala na siguro siya dahil kahit ang mga kamang-anak niya sa ibang bansa, e, nagdududa na kung siya nga ang napapanood nila sa TV.

“Umalis ang mga relatives niya na simple lang ang itsura niya, pero bakit bigla nang nagbago ang face niya? Natural, puro ‘Is it really you?’ ang mga natatanggap niyang comments mula mismo sa mga kapamilya niya!

“Saka nagsawa na rin siguro ang girl sa kapaparetoke. Malaking abala nga naman ‘yun sa trabaho niya. Palagi siyang dumadaan sa healing period, malaki ang time na nawawala sa kanya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Masaya ang mga kapwa niya artista dahil mas maganda naman siya nu’ng hindi pa niya ipinababago ang kanyang itsura. Simpleng-simple lang siya, maganda siya kahit kagigi­sing lang, hindi tulad nang magsimula na siyang magparetoke na hindi siya makalabas nang walang make-up.

“Kung kailan siya nagpaopera, e, saka naman siya hindi maganda kapag wala siyang make-up. Sa halip na mas gumanda siya dahil ipinabago na nga niya ang face niya, e, saka siya nangailangan ng kulapol sa mukha niya.

“Mas maganda ang ganyan, tama lang ang decision niyang tantanan na ang pagpapaopera, mas maganda ang natural na ganda niya. Nagmumukha na raw kasi siyang manikin, ikino-compare pa siya sa isang sikat na foreign personality na namatay na.

“Ayos lang ‘yan, huwag na siyang magpadagdag, ang dapat nga, e, magpabawas siya dahil sumobra na ang pagbabago ng itsura niya! Hindi na siya magkakagastos, mas magiging natural pa ang itsura niya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Abogado ni Joel Cruz reresbak sa negosyante

Pagkatapos maglantad ng kanyang saloobin sa aming programa laban sa negosyanteng si Joel Cruz ang kababayan na­ting negosyante sa Brunei na si Kathelyn Dupaya ay si Attorney Ferdinand Topacio naman ang makakapanayam namin sa Cristy Ferminute ngayong hapon.

Si Attorney Ferdie ang abogado ni Joel Cruz, nasubaybayan niya nu’ng nakaraang Biyernes ang mga akusasyon ni Mrs. Dupaya laban sa kanyang kliyente, kaya panahon naman para sa pagbibigay nila ng panig tungkol sa diumano’y hindi pagbabayad nang tamang buwis ng negosyante.

Habang naglilitanya si Kathy Dupaya sa CFM ay nakatutok pala ang magaling na abogado, meron siyang mga puntong ikinokomento na mas magandang mula sa kanya na lang natin marinig, detalyadong bubuweltahan ni Attorney Ferdie ang nangangalampag kay Joel Cruz.

Mahusay pumili ng magtatanggol sa kanya si Joel Cruz, napakaganda ng kartada ni Attorney Ferdie, naipananalo niya ang mga kasong ipinagkakatiwala sa kanya.

At kahit pa sikat na siyang abogado ay may puso siya sa maliliit, mara­ming kababayan na nating walang kapasidad na magbayad sa kasinghusay niyang tagapagtanggol ang kanyang tinulungan, puwede siya sa pro bono kung talagang nangangailangan ng suportang legal ang lumalapit sa kanya.

Maraming hindi nakakaalam na maraming pintor na Pilipino ang tinutulungan din ni Attorney Topacio, kolektor siya ng mga obra, sinusuportahan niya ang mga baguhang pintor na isang araw ay makikilala rin ang pangalan sa larangan ng sining na biswal.

Kailangang matutukan ni Kathy Dupaya ang mga pasabog mamayang alas kuwatro nang hapon sa CFM ni Attorney Ferdinand Topacio.

Kailangang-kailangan.

vuukle comment

JOEL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with