^

PSN Showbiz

Inigo, ipagpo-produce ang sarili

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Inigo, ipagpo-produce ang sarili
Inigo

Maganda ang impluwensya ni Piolo Pascual sa anak niyang si Inigo Pascual. Pwedeng ipa-produce ng anak sa produksyon ng kanyang ama ang kanyang music video pero, sa halip ay nagpasya si Inigo na siya na lamang ang magprodyus ng sarili niyang music video. Proud ang batang Pascual na gumamit ng sarili niyang pera para sa sarili niyang kapakanan. Lumabas ang pagiging independent niya na marahil ay nakuha niya sa paninirahan ng matagal sa ibang bansa.

Sarah hindi na isyu kung mahalikan

Sa edad ni Sarah Geronimo na 30 ay ikinagagalit pa rin ng kanyang ina na malaman na nahalikan na siya ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli?

Hindi naman siguro niya inaasahang mapanatili ng dalawa na platonic ang relasyon nila. Anong relasyon ang maaasahan sa dalawa kung pati ang isang simpleng pagpapamalas ng pagmamahalan nila ay bawal na gawin nila?

Usap-usapan kasi ang pagwo-walk out ng ina ng Pop Royalty sa taping ng Gandang Gabi Vice. Nag-guest dito si Sarah para sa promo sana ng Miss Granny pero, hanggang sa ngayon ay hindi pa napapanood ang episode niya. Sinagot lamang daw ni Sarah ang tanong ni Vice kung nag-kiss na sila ng nobyo niya. Umalis si madir dahil hindi nito nagustuhan ang pagpapakatotoo ng kanyang anak. Baka lamang hindi ang kiss ang tinutulan nito kundi ang pangyayaring kailangan pang aminin ni Sarah on national TV ang ginawa niya. Hindi pa ipinalalabas sa GGV ang nasabing episode pero, palabas na sa mga sinehan ang ipino-promote na movie ni Sarah.

Maine seryoso na sa pagso-solo

Arangkada si Maine Mendoza minus Alden Richards. Pinatutunayan nito na may buhay ang kanyang karera kahit solo na sila. Ang maganda sa kanila ay magkasama pa rin sila sa Eat Bulaga at hindi kinakikitaan ng animosity sa kabila ng paghihiwalay nila.

Sama na rin siya sa dumaraming artista na may sarili nang line of lipstick, magiging mahigpit niyang kalaban ang mga brand na ipino-promote nina Anne Curtis at Vice Ganda. Recording artist na rin siya, hindi single kundi isang album ang ilalabas para sa kanya ng Universal Records. Pero, ang dalawa sa pinakahahangad niya ay ang manguna ang MMFF 2018 ang entry niya with Vic Sotto and Coco Martin na Jak Em Poy The Puliscredibles at mapanalunan ang titulong Asia’s Top Sweetheart na itinataguyod ng isang online poll.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with