^

PSN Showbiz

Famous personality sumaya ang buhay nang pakawalan ng bilyonaryo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung mukhang datung lang ang isang pamosong babaeng personalidad, di sana’y pinagsamantalahan na niya ang sobrang kayamanan ng isang kilalang-kilalang bilyonaryo sa ating lipunan, di sana’y hindi siya agad-agad bumaklas sa napakaagang panahon.

?Sunod ang lahat-lahat ng kanyang luho sa sikat na pangalan sa ating bayan, walang preno ang pagbibigay nito ng lahat ng kanyang ikaliligaya, literal na nahiga nu’n sa salapi ang female personality.

?“Pero nakakailang buwan pa lang sila, e, nakipag-break na ang girl. Parang ninamnam lang niya ang buhay-reyna, ang kung paano mamuhay ang mga rich and famous, pero nakiraan lang siya at hindi tumira sa ganu’ng klase ng buhay.

?“Trip abroad ba kamo? Kahit ilan pa ang kasamang bibiyahe ng girl, e, isang tawag lang sa assistant ng madatung na lalaki ang katapat nu’n! At sa kahit anong bansa ang pinag-uusapan dito, ha?

?“Mga branded bags and shoes ba kamo? Naku, kahit ilang pares pa ang gusto ng girl, e, pirma lang nang pirma ng tseke si sir! Walang problema, talagang lahat ng luho ng actress-TV host, e, ibinibigay ni papa!” unang kuwento ng aming source.

?Pero biglang nagising sa katotohanan ang babaeng personalidad na hindi ‘yun ang klase ng lifestyle na pinapangarap niya. Busog man siya sa luho ay hindi naman siya maligaya.

?Patuloy ng aming source, “Kahit ano pa ang ihain sa kanya ni sir, e, talagang hindi happy ang girl. Mas gusto pa rin niya ang simpleng buhay na kinagisnan niya. Hindi sila mayaman, pero hindi naman sila nagugutom, nabibili rin naman niya ang kanyang mga gusto pero kailangan nga lang niyang pag-ipunan ‘yun.

?“So, isang araw, e, kinausap nang masinsinan ng girl si sir. Nagtapat siya, wala siyang itinago, gusto na niyang kumawala sa poder ng madatung na lalaki.

?“Ayaw na niya sa ganu’ng klase ng buhay, magtatrabaho na lang siya, tutal naman, e, meron na siyang name na pinaghirapan niya nang matagal na panahon.

?“Napakasaya ng female personality dahil pinakawalan siya ng kilalang-kilalang tao sa ating lipunan, hindi siya binastos, pinabaunan pa rin siya ng pagrespeto, walang binawing kahit anong materyal na ibinigay sa kanya si sir.

?“Masayang-masaya na ngayon ang girl dahil nakita na niya ang lalaking mahal niya at nagmamahal din sa kanya. Pati ang anak niya sa isang singer, tanggap ng guy na pinili niyang pakasalan.

?“Ano pa nga ba ang masasabi natin ngayon sa nakaraang kuwento ng lovelife ng female personality, e, di it’s showtime lang!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Negosyanteng si Joel Cruz nakuhanan ng ebidensiya sa P40-M na sabit daw sa BIR

Malaking bikig sa lalamunan ngayon ng negos­yanteng si Joel Cruz ang mga inilabas na rebelasyon ng idinemanda nitong businesswoman sa Brunei na si Kathlyn Dupaya.

?Pagkatapos bulabugin si Kathy Dupaya ng mga personalidad na diumano’y inutangan niya pero tinakbuhan na nu’ng bandang huli ay pansamantalang nanahimik ang Brunei businesswoman.

?Pero sa kanyang pagbabalik ay isang malakas na sigaw ang kanyang bitbit, kumpleto siya sa mga dokumento at ebidensiya, kailangan daw imbestigahan ng BIR at ng ating pamahalaan si Joel Cruz dahil sa hindi nito pagbabayad nang tamang buwis sa ating gobyerno.

?Kung saan-saan nakuha ni Kathy Dupaya ang mga dokumentong hawak niya ay isang malaking palaisipan. Kahit siguro si Joel Cruz ay nganga ngayon dahil bakit napasakamay ng kalaban nito ang kanyang mga libro?

?Apatnapung milyong piso ang isinisigaw nu’n ng tinatawag na Lord Of Scents na utang sa kanya ni Kathy Dupaya, kasama na raw du’n ang pinagkasunduan nilang interes ng kanyang pera, pero sa pagbabalik ni Kathy ay bilyong halaga naman ang kanyang bira.

?Napakalaking problema nito para sa negosyante ng pabango kapag nagkataon. Forty million lang ang utang sa kanya ni Dupaya, pero bilyong halaga naman pala ang kailangan nitong panagutan sa BIR, napakalayo ng pagkukumpara kung totoo nga ang akusasyon ng babae laban kay Joel Cruz.

?Tuloy pa rin ang pagkakasuhan nina Kathy Dupaya, Ynez Veneracion, Sunshine Cruz at ng iba pang artistang diumano’y inutangan niya pero mas una niyang sinentruhan ang diumano’y hindi pagbabayad ng tax ng negosyante ng mga pabango na si Joel Cruz.

vuukle comment

JOEL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with