^

PSN Showbiz

James at Xian, maraming natuklasan kay Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
James at Xian, maraming natuklasan kay Sarah
Miss Granny Cast

Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan nga­­yon ang pelikulang Miss Granny na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo, Xian Lim at James Reid.

Ayon sa dalawang aktor ay maraming mga bagay ang kanilang natuklasan tungkol sa Popstar Royalty habang ginagawa ang nasabing proyekto. “Besides the fact that she’s an amazing character actor, her quirks are really perfect for the role. She has a real­ly funny laugh,” bungad ni James. “I really thought she was quiet, no’ng una iniisip ko, paano kaya ako makikipag-usap sa kanya kasi baguhan pa lang ako when I got on the set. It turns out na si Sarah pala ay mara­ming baong kwento. There was one time we had to share a dressing room, at no’ng una napakatahimik namin, parang walang nagsasa­lita. Then I started talking to her and it got her going. Ang dami pala niyang kwento,”  nakangiting pagbabahagi naman ni Xian.

Para sa dalawang binata ay talagang masarap na katrabaho si Sarah at umaasang mu­ling magkakasama sa susunod pang mga proyekto nila. “Sobrang sayang katrabaho ni Sarah G,” dagdag ni Xian. “The set was always fun because of Direk Joyce (Bernal), Xian and Sarah, plus it’s a funny movie too,” pagtatapos naman ni James.

Kisses, naghahanda sa sasalihang beauty pageant

Nagpaplano si Kisses Delavin na sumali sa isang beauty pageant. Ayon sa baguhang aktres ay matagal na niya itong pinapangarap. “Gusto ko ulit mag-train. Kasi three years old ako no’ng first pageant ko sa preparatory school ko. Sobrang enjoy and ever since sabi ko, ‘Mommy gusto ko mag-pageant.’ So sumali ako sa mga pageants sa school. ‘Yung mama ko pa ‘yung pagod na pagod kasi ang dami kong gustong salihan. Sabi ng mommy ko, ‘Sinalihan mo na lahat,” natatawang kwento ni Kisses.

Desidido na ang dalaga kung saang beauty pageant siya sasali pero hindi pa niya ito maibahagi sa publiko sa ngayon. “Siguro ‘yung kinatatakutan ko, ‘yung sasalihan ko which is secret pa para walang spoiler. Gusto ko lang na spontaneous lahat kung biglaang maisipan ko. Halimbawa ‘yung jinoin ko na pageant sa Bicol is Miss Kaogma, na-decide ko mga next week na ‘yung screening and biglang sali na ako. I’m more spontaneous type. I’ll take my time,” giit ng dalaga.

Mas paghahandaan umano ni Kisses ang Question and Answer portion na siyang madalas na kinatatakutan ng mga sumasali sa mga beauty contest. “Sa training ‘yung mga Q & A kasi di ba kailangan mag-catch up sa mga issues of today. Not just issues in show business,” nakangiting pahayag ng aktres.

Excited na rin si Kisses para sa nalalapit na paglaban ni Catriona Gray sa Miss Universe. “Nakakatuwa, I’m so happy. Sinusubaybayan ko actually, ina-update ko sarili ko sa mga nangyayari sa pageant world,” pagtatapat ng dalaga.

vuukle comment

MISS GRANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with