^

PSN Showbiz

Buybust binalik sa mga sinehan, Miss Granny malakas na malakas sa takilya

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Buybust binalik sa mga sinehan, Miss Granny malakas na malakas sa takilya
Anne at Sarah

Due to public demand, binalik sa ibang sinehan kahapon ang BuyBust ni Anne Curtis.

Marami pang gustong makapanood ng action movie na naka-two weeks na sa mga sinehan bago nag-start ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 last Wednesday.

Kasabay nito ang opening ng pinipilahan ngayong Miss Granny ni Sarah Geronimo. Wala pang binibigay na figure ang Viva Films, pero base sa mga naglalabasang photos sa social media, pila-pila kahapon sa mga sinehan ang manonood.

Kasama rin sa PPP entries na natira sa mga sinehan ang The Day After Valentine’s, another Viva movie.

So namamayagpag sila ngayon.

Nagkakasawaan na nga raw minsan Daniel at Kathryn limang taon na ang relasyon

Grabe ang tagal na rin pala ng relasyon nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Imagine naka-five years na pala sila.

Yup you read it right. First time nga nilang inamin na ganun na pala katagal ang relasyon ng KathNiel.

May pelikulang pino-promote ang KathNiel, ang The Hows of Us na showing na sa August 29. “Nasa more than 5 years na,” sabi ng aktor kahapon sa presscon ng The Hows of Us.

Wala silang inamin noon though obvious naman meron silang relasyon. So officially ito ang first time sinabi kung gaano na nga katagal ang relasyon nila.

Matagal na rin ang limang taon kaya naman aminado ang actor na dumarating sila sa point na napapagod na rin sila lalo na nga’t everyday na silang magkasama. “Kung iisipin n’yo eh mukhang masaya siya, hindi ba dahil araw-araw kaming magkasama pero siyempre darating ‘yung point na “araw-araw na tayong magkasama, Kathryn!” Ganu’n. Di ba? Darating, eh. Normal ‘yun,” paliwanag ng aktor sa mga pagkakataon na parang tired na sila sa araw-araw nilang pagsasama.

“Ako, sa buong buhay ko sa showbiz, siya lang ang kasama ko hanggang ngayon. So, imadyinin n’yo na lang na sa personal, magkasama kami, pati sa trabaho. Everyday magkasama kami,” dagdag na paliwanag niya.

Bukod sa pagod, may time talaga raw na hirap silang mag-adjust kaya nagkakapikunan na sila. ‘Yung tipong sinusubukan talaga ang kanila patience.

Pero hindi raw sila nagkakasawaan. “And dumadating man kami sa puntong ‘yun, pero bumabalik din kami at nare-refresh kami sa mga sarili namin. Nami-miss ko pa rin siya kahit araw-araw kaming magkasama. Totoo ‘yun. Hindi na nga kami sanay magkahiwalay, eh,” bawi ng aktor kaya lagi pa rin siyang na-e-excite sa tuwing may gagawin sila. ‘Marami pa kaming hindi nagagawa ni Kathryn, so looking forward din ako lalo na sa personal kesa sa trabaho, mas looking forward akong makasama pa si Kathryn sa mas marami pang mga biyahe sa personal naming mga buhay.”

Ngayon aminado silang habang nagtatagal, nagma-mature na sila. “You grow together, and dapat siguro, hindi maiisip ng isa na “okay, sawa na ako.” Huwag mo nang paratingin sa ganu’n.

“So, kailangan, sa isang relationship to work, feeling ko, may nabibigay kang iba or mas nagma-mature nga kayo together, ang laking bagay nu’n, eh.

“Kasi like ‘yung two years ago, ‘yung pinag-aawayan namin two years ago, hindi ko na masasabing ‘yun ang pinag-aawayan namin ngayon. Iba na. Nag-mature na pati ‘yung pinag-aawayan n’yo, kung paano kami sa isa’t isa.

“Pero ang secret lang talaga is you grow together and basta huwag lang too much sa lahat,” ang depensa naman ni Kathryn.

vuukle comment

BUYBUST

MISS GRANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with