^

PSN Showbiz

Partner ni Pokwang sumusubok kumita!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Partner ni Pokwang  sumusubok kumita!
Lee

Hindi naman pala totoong jobless ang Kanong partner ni Pokwang na si Lee O’Brian.

In all fairness, dalawa ang pelikula niya sa nagtapos na Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kasama siya sa Ang Babaeng Alergic sa WiFi at may special participation siya sa pinupuring Signal Rock.

So hindi siya puwedeng akusahang umaasa lang sa kinakasamang komedyana kung saan meron silang isang napaka-cute na baby na dala-dala ni Pokwang nang mag-story conference ang bagong show niya sa ABS-CBN na pagbibidahan nina Maymay Entrata and Edward Barber.

Maraming pasahero katakut-takot na dusa ang inabot  sa sumadsad na eroplano

Ang dami talagang naperwisyo ng sumadsad na eroplano sa NAIA. Grabe ang epekto.

Mabilis na kuwento lang. Nagpunta kami sa Dumaguete last weekend para makiramay sa isang kaibigan. Nakaalis kami ng Sabado ng hapon at plano namin bumalik ng Linggo ng umaga. First out from Dumaguete ang nakuha naming flight. Pero nang papunta na kami sa airport, nag-email ang Cebu Pacific na cancelled ang flight. Nag-rebooked sila ng Huwebes.

Wow. So pagdating namin sa airport sabi ni ate girl sa counter ng Cebu Pac, may flight sa Bacolod. Dun na lang daw kami pumunta at puwedeng sumakay pauwi ng Manila. Pero kailangan mong magbiyahe ng by land ng pitong oras.

Pero ang nakakataka, ang Philippine Airlines naman nakalipad pabalik ng Manila. Pero ang Cebu Pac hindi.  At pag bibiyahe ka sa Bacolod, sagot mo ang pamasahe na almost 500 pesos sa aircon bus.

Kaya para sigurado, nag-reimburse na lang kami sa Cebu Pac at nag-decide na mag-PAL pero sa Bacolod dahil punuan na ang flight ng Dumaguete to Manila.

At para makabalik ng Manila, nag-bus kami pa-Bacolod. Hahaha. Hoping na makakaabot sa 80th birthday ni Mother Lily Monteverde and Gabi ng Pasasalamat ng PPP na hindi nangyari.

Ang bottomline talaga, dapat ayusin na ang airport natin. Paano pa dadami ang turista pag ganyang isang eroplanong sumadsad lang, libu-libong pasahero na ang na-perwisyo. Paano na ‘yung magbabakasyon sana at naka-book sa mga hotel o’yung may connecting flights.

Eh paano kung sakto lang ang budget mo?

vuukle comment

LEE O’BRIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with