^

PSN Showbiz

Sarah nagpaka-aktres sa pagiging lola!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah nagpaka-aktres  sa pagiging lola!
Xian, Sarah at James

Lakas din ng LSS

Lakas ng last song syndrome ng pelikulang Miss Granny starring Sarah Geronimo, James Reid and Xian Lim.

Tipong paglabas mo ng sinehan, kinakanta mo talaga ang mga napanood at narinig mo.

Kasama sa mga kinanta ni Sarah sa pelikulang showing na tomorrow, August 22, ang Kiss Me, Kiss Me; Isa Pang Araw; Rain and Forbidden.

Swak na swak kay Sarah ang role ni Odrey, na kanyang ginampanan nang bumalik sa kabataan ang character ni Miss Granny na isang 70 year old lola na boring ang buhay pero bumata nga matapos pumasok sa isang photo studio.

Aktres na aktres ang pop superstar sa pelikula na dinirek ni Joyce Bernal.

Ganda niya at hindi ko ma-imagine na iba ang artistang gaganap sa Pinoy adaptation ng Korean hit movie na ito.

Siyempre super cute si James as apo na nagka-crush sa kanyang lola.

Lalo na pag parang pilyo ang ngiti niya. Ang cuteee.

Si Xian tama ang role as producer na parang na-in love kay Odrey (Sarah).

Matagal itong hinintay ng fans lalo na ng mga lola, kaya ito na, finally showing na tomorrow.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Miss Granny na nagkaroon ng simultenous premiere night last night.

First time din ito na magkasama sina Sarah and James sa isang movie with Xian.

Ito ay base sa worldwide South Korean blockbuster film na ipinalabas noong 2014 starring Eun Kyung Shim at Moon He Na kung saan nagwagi ito ng ilang prestigious awards at nagkaroon pa ng adaptations sa China, Japan, Taiwan, Vietnam, Thailand, Indonesia, India, Germany at ginagawa na rin ang English at Spanish language versions nito sa Hollywood.

Huling napanood si Sarah sa Finally Found Someone, ang reunion project nila ni John Lloyd Cruz noong nakaraang taon.

Si James naman ay Never Not Love You with Nadine Lustre habang si Xian ay napanood na huli sa Sin Island.

Si Ms. Nova Villa ang gumanap na lola na ayon kay Sarah ay pinag-aralan niya nang hustoi ang bawat galaw.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with