^

PSN Showbiz

Mother Lily binuhat-buhat habang sumasayaw

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily binuhat-buhat  habang sumasayaw
Vilma at Mother lily

Pasabog sa 80th birthday

Nag-enjoy ako sa 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde na ginanap sa grand ballroom ng Crowne Plaza Manila Galleria noong Linggo, August 19, kahit nainip ako sa paghihintay sa bonggang entrance niya.

Sulit na sulit naman ang pag-aabang ng mga bisita sa arrival ni Mother na super dance habang pumapasok sa ballroom at umaalingawngaw ang song na Mamma Mia.

Kitang-kita na tuwang-tuwa si Susan Roces sa pasabog na dance number ni Mother Lily.

Inggit na inggit ako kay Mother dahil 80-years old na siya pero ang sigla-sigla ng katawan niya. Effective yata talaga ang morning walks niya sa Greenhills kaya bata siya na tingnan kesa sa kanyang actual age.

Ang cute rin ng dance number ni Mother na kasama ang kanyang mga anak, apo at daughter in-law.

Nakakaloka si Mother dahil more than fifteen minutes yata ang pagsasayaw niya pero parang hindi siya nakaramdam ng pagod.

Parang si Vilma Santos lang ang peg ni Mother Lily na walang takot na ginawa ang lifting sa dance number niya.

Bumaha ng food and drinks

Bumaha ang food and drinks sa birthday party ni Mother Lily.

Kumpleto ang mga taipan sa birthday celebration niya at ang mga artista na pinasikat at binigyan ng projects ng kanyang film company.

Na-sight ko sa well-attended party ni Mother sina Maricel Soriano, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, Mark Herras, Winwyn Marquez,Senator Win Gatcha­lian, Senator Grace Poe at Loren Legarda, si Noynoy Aquino at ang kanyang mga pamangkin na sina Joshua at Bimby.

Nakarating sa akin ang balita na nag-stay sa birthday celebration ni Mother si Manila City Ma­yor Joseph Estrada at ang anak nito na si Jinggoy Estrada.

Maugong ang balita na muling kakandidato na senador si Papa Jinggoy sa 2019.

Bilib naman ako sa ganda ng PR ni Joshua Aquino dahil siya pa ang nagpakilala sa akin nang magkita kami. “Hi, I’m Joshua, nice to meet you” ang dialogue ni Joshua nang lumapit ako sa table nila.

Birthday inulan ng mga sikat

Maganda ang table na nakatoka sa amin dahil kita ko ang lahat ng mga bisita na dumarating like former House Speaker Sonny Belmonte, ang pamilya ni Annabelle Rama, ang mga bossing ng ABS-CBN at GMA 7 pero sa rami ng mga invited guest at lawak ng lugar, may mga artista na nakalampas sa paningin ko.

Kung hindi pa ako nagpunta sa comfort room, hindi kami magkakasalubong ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Katabi ng mesa namin ang table ng mga aspiring star pero hindi ko knows ang karamihan sa kanila.

Si Enzo Pineda lang ang kilala ko dahil member ako ng Starstruck council nang sumali siya noon sa Season V ng Starstruck, ang reality-based artista search ng GMA 7.

Skinhead ang hairstyle ni Enzo at siya mismo ang naggupit sa sarili niya.

May pelikula na ginagawa si Enzo sa Regal Entertainment Inc. at si Winwyn ang leading lady niya.

May balak din si Mother Lily na mag-produce ng isang sexy movie na pagbibidahan din ni Enzo at ng Bb. Pilipinas-International 2017 na si Mariel de Leon.

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with