^

PSN Showbiz

Roby may advocacy dahil hindi nagging doktor

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Roby may advocacy dahil hindi nagging doktor
Robi

Kahit kabi-kabila ang ginagawang proyekto ni Robi Domingo sa telebisyon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ang pinapangarap noon na maging isang doktor. Maraming kaibigan si Robi na naging doktor na ang nakakasama at nakakausap pa rin hanggang ngayon. “Before I had that episode wherein, hindi naman siya depression, but I just thought about things. ‘Paano kung naging doktor ako?’ And my friends recently we had a gathering. They told me kung gaano kahirap maging doktor. ‘Yung iba, ‘Sayang hindi ka naging doktor.’ ‘Yung iba, ‘Buti hindi ka nagdoktor.’ But at the end of the day, I just realized that the main reason why I want to become a doctor is to put on a white coat to help others,” pagbabahagi ni Robi.

Ayon sa aktor ay hindi naman kinakailangan na maging isang doktor para makatulong sa kapwa. “Pwede rin naman hindi lang white coat ang susuotin mo para makatulong ka. Any kinds of coat basta ang intention mo ang makatulong. That’s why instead of becoming a doctor, meron akong advocacy ngayon which is health information education which is information accessibility para sa mga Kapamilya natin. It is an advocacy na pinu-push namin ng kaibigan ko,” nakangiting pahayag ni Robi.

Di nagmana sa ama Vitto, no gf since birth

Hindi pa nakararanas na magkaroon ng kasintahan ang miyembro ng Hashtags na si Vitto Marquez. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ngayon ang aktor na anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

“Well, I’ve been single all my life pero may minahal ako,” pagtatapat ni Vitto. “Siguro wala pong naniniwala pero wala po talaga akong nakarelasyon. Hindi siya naging girlfriend-boyfriend type. Siguro papunta do’n pero hindi natuloy. Ako po kasi, I don’t take showbiz, showbiz, and pinapakilala ko po kung sino talaga ako,” dagdag pa ng baguhang aktor. 

May ilang mga dahilan umano si Vitto kung bakit hindi pa siya nanliligaw upang magkaroon ng kasintahan. “Masyado akong pursigidong mag-focus sa showbiz. Kasi on my part, ‘pag may girlfriend ako, baka makasakit lang ako ng tao. Sabihin na rin po natin na hindi po ako mabilis ma-in love. Hindi naman po sa mapili pero may sinasabi po tayo na meron kang mararamdaman kapag siya na talaga ‘yon,” pagbabahagi ng binata.

Maging ang mga kasamahan sa Hashtags ay hindi rin makapaniwala na hindi pa nagkakaroon ng kasintahan si Vitto mula pagkabata. “Natatawa sila kasi parang wala daw sa dugo ko. Ang hirap i-explain kasi nakatatak na rin sa Marquez na gano’n kami, father and son thing. Mahirap pero siguro in time matatanggap na rin ng tao. Hindi mawawala ang  tingin ng tao na chickboy ako. Pero image lang ‘yon, hindi ako gano’n sa totoong buhay,” natatawang pahayag ni Vitto.

vuukle comment

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with