Team ni Gerald tinaob sila Daniel
SEEN: Ginunita kahapon ng pamilya ng yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr. ang 79th birth anniversary niya. Magkaedad si FPJ at ang Regal Entertainment Inc. producer na si Mother Lily Monteverde.
SCENE: Sa susunod na taon pa ang 80th birthday ni Mother Lily Monteverde pero nagkaroon na siya ng selebrasyon noong Linggo dahil may pamahiin ang mga Chinese na hindi dapat na ipinagdiriwang ang mga edad na nagtatapos sa number 9.
SEEN: Dalawang dating pangulo ng Pilipinas ang bisita sa 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde, sina Manila City Mayor Joseph Estrada at Noynoy Aquino.
SCENE: Ang Blue Team ang grand champion sa Star Magic All Star Basketball Game na ginanap noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum. Si Gerald Anderson ang captain ng Blue Team.
SEEN: Si Gerald ang pinarangalan na Most Valuable Player of the Year at si Richard Gutierrez ang Rookie of the Year ng Star Magic All Star Basketball Game. Tinalo nina Gerald ang team ni Daniel Padilla.
- Latest