^

PSN Showbiz

Anne na-master na ang paglambitin sa ere Habang bumibirit

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anne na-master na  ang paglambitin sa ere Habang bumibirit
Anne

Natuwa ako nang makarating sa akin ang news na successful ang AnneKulit, ang last na’to concert ni Anne Curtis sa Araneta Coliseum dahil nabawi ang lahat ng pagod at hirap niya, pati na ang matinding kaba na nararamdaman bago sumapit ang araw ng kanyang 21st anniversary show.

Dahil napuno ng audience ang Araneta Coliseum, hoping ang fans na magbabago ang pasya ni Anne na huwag nang magkaroon ng mga concert dahil itutuon niya ang a-tensyon sa kanyang acting at hosting career.

Ang akala ng mga nanood ng AnneKulit, ang pagbubuntis niya ang special announcement ni Anne kaya magbababu na siya sa concert scene pero nag-dialogue ang aktres ng “charot lang.”

Special guests ni Anne sa AnneKulit sina James Reid, Sarah Geronimo, Regine Velasquez, ang Aegis at ang Ex Battalion.

Sina Sarah at James ang stars ng Miss Granny kaya nakapag-promote sila ng kanilang pelikula sa concert ni Anne.

Ang sabi ng isang eyewitness, sobrang ganda ng production number nina Anne at Sarah. Talagang nakipagsabayan daw si Anne sa pagkanta at paghataw ni Sarah sa pagsasayaw.

Siyempre, hindi puwedeng mawala sa AnneKulit ang mga buwis-buhay stunt ni Anne na inikot ang buong Araneta Coliseum habang nakabitin siya sa harness.

Naloka ang audience dahil never na nagpakita si Anne ng pagkalula habang kumakanta at nakabitin sa harness na dalawang beses niya na ginawa.

Hindi talaga kumpleto ang mga concert ni Anne kapag wala ang kanyang mga buwis-buhay na production number.

Kumpleto ang pamilya ni Anne sa concert niya. Present ang kanyang mga magulang, kapatid at mister na si Erwan Heussaff.

Big fan pala ng Aegis ang nanay ni Anne kaya sinabayan nito ang pagkanta ng sikat na banda na kilala sa pagbirit.

Hindi puwedeng mawala sa anniversary show ni Anne ang Aegis dahil ang mga hit song nito ang kinakanta niya sa lahat ng kanyang mga show sa probinsya at sa iba’t-ibang bansa.

Nanood din ng AnneKulit ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr., si Boss Vic del Rosario at ang kanyang mga anak na sina Vincent at Veronique na saksi sa pagsisimula ng showbiz career ni Anne.

AiAi at Ex-B movie di muna tuloy

Hindi matutuloy ang plano na umpisahan ngayong Agosto ang Sons of Nanay Sabel dahil sa busy schedule ng Ex Battalion at ni AiAi delas Alas.

Ang Sons of Nanay Sabel ang launching movie sa Viva Films ng Ex Battalion na umapir din sa AnneKulit.

Na-postpone for September ang shooting ng Sons of Nanay Sabel dahil may conflict sa tight schedule ng Comedy Queen at ng kanyang mga alaga.

Tiniyak naman ni AiAi na kapag nagsimula na ang shooting nila ng Ex Battalion, tuluy-tuloy ito dahil may playdate na ang pelikula sa November 2018. Ang Sons of Nanay Sabel ang birthday presentation ni AiAi na magdiriwang ng birthday sa November 11.

Miss Granny may libro na rin!

Available na sa mga bookstore ang movie book ng Miss Granny at mabibili ito sa very affordable price na P295.

Ang VRJ Publishing Inc., ang publishing company ng Viva ang publisher ng libro na tungkol sa Filipino adaptation ng blockbuster Korean movie.

Si Sarah ang cover girl ng libro dahil siya ang lead actress ng musical co­medy drama movie na mapapanood sa mga sinehan sa buong Pilipinas simula sa August 22.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with