^

PSN Showbiz

Erich uulit paa sa pagpo-produce

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Erich uulit paa sa pagpo-produce
Erich

Mother Lily nakahanap ng new love sa edad na 80

PIK: Dahil sa pelikulang We Will Not Die Tonight, nagbukas ng chance kay Erich Gonzales na mag-produce kaya nabuo ang EG Films.

Nagkataon lang daw na nagkausap sila ni direk Richard Somes at nabanggit daw sa kanya na me­ron siyang kakaibang kuwento ng action film na wala pang nagsugal na producer.

Nagustuhan daw niya ang kuwento at gusto rin niyang subukan ang action, kaya nagawa niya ito at nabuo nga ang EG Films.

Maaring tuluy-tuloy na raw ang pagpu-produce niya ng EG Films na kahit hindi siya ang bida, basta maganda lang daw ang material.

“Sabi ko nga yung EG Films, hindi naman talaga siya pinlano, nangyari lang.

“Siguro ito rin yung way natin para makatulong sa ibang mga talented nating directors, mga wri­ters…siguro makatulong sa mga in­de­pendent nating produ­cers na kapag may kakaiba silang istorya, tu­tulong po tayo,” pahayag ni Erich.

PAK: Inamin ni Xian Lim na may co-writer siya sa pelikulang idi­di­rek niya para sa Cinemalaya. Hindi lang daw niya alam kung gusto nung co-writer niya na magpabanggit ng pangalan. Pero nagka-issue pa noon na tila sinolo lang daw ni Xian ang credit ng kuwentong ipinasa niya sa Cine­malaya 2019.

Meron naman daw tala­ga siyang katuwang dito. Pero ami­­nado ang aktor na talagang pinaghirapan niya ang kuwen­tong ginawa nila ng co-writer niya lalo na’t dumaan din siya sa workshop ni Ricky Lee.

Fourteen weeks daw siyang nag-workshop sa pamoso at iginagalang na writer.

“I fell in love with it right after the first week. Sabi ko, para sa akin to. Ipu-pursue ko to.

“I went into a process turned into script, I have to present my story which is an amazing feeling grabe. Nothing beats that feeling. Sobra!” pahayag ng aktor sa presscon ng Ms. Granny nila ni Sarah Geronimo at James Reid.

May pagka-dark daw itong gagawin niyang pelikula para sa Cinemalaya at definitely hindi siya magbibida dahil ayaw niya talaga.

Sa susunod na buwan ay magka-casting na raw sila kasama ang mga taga-Cinemalaya at excited siyang dumadaan siya sa ganung proseso na bago sa kanya bilang artist.

BOOM: Kagabi ang bonggang selebras­yon ni Mother Lily Monteverde na nagdiwang ng kanyang 80th birthday.

Nang nakausap namin siya sa radio program ni Noel Ferrer na Level Up nung kamakalawa ng gabi, ramdam namin ang excitement sa kanya dahil may mga pinag­handaan daw siyang musical number.

Magaling kasing mag-piano si Mother kaya meron daw siyang ganung number at kakantahan daw niya si Father Remy. “Because, you know, I love Father very very much,” masayang pahayag ng Regal matriarch.

Sabi ni Mother ngayong 80 na raw siya, iwas stress na raw talaga siya. Pero nandiyan pa rin ang passion niyang gumawa ng pelikula.

“Pero you know what? May bagong passion ako ngayon, mag-farming,” bulalas ni Mother.

May mga nabili siyang lupain sa Tagaytay, sa Batangas at nagsimula na siyang mag-farming.

May mga binili raw siyang baka, at na-in love na siya sa pag-alaga.

“Ganun pala yun? Pag ikaw mismo ang mag-alaga ng mga baka, parang ayaw mo na silang ipakatay. Parang na-attach ka na sa kanila, ayaw mo na silang ipakatay,” saad ni Mother Lily.

Nagpapasalamat na lang si Mother Lily sa lahat na nagmahal sa kanya, sa lahat na dumalo sa kanyang kaarawan dahil iyun lang naman daw talaga ang gusto niyang birthday gift na dumalo ang lahat na nakatrabaho niya lalo na ang mga inalagaan niyang Regal babies.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with