Wini-wish eto na ang the one…KC nilantad na ang bf na nakilala sa birthday ni Pres. Clinton!
MANILA, Philippines — Maraming happy kay KC Concepcion na finally ay nilantad na niya ang boyfriend na foreigner sa kanyang Instagram account. “Warm, genuine, timeless,” lang ang kanyang caption sa selfie nila sa Malibu, California. Pierre Emmanuel Plassart daw ang name ng French guy at nagkakilala ang dalawa noong 2011 pa at naging boyfriend niya na rin ito diumano, Ito rin daw ‘yung guy na nakilala ni KC nang dumalo siya ng 65th birthday/charity event ni former US President Bill Clinton with her mom Sharon Cuneta sa US na kinumpirma niya. “I think so too,” ang sagot ni KC nang isang follower na nagsabing sana ay ito na ang the ‘one’ na puwedeng makasundo ni KC na isang independent, passionate, free spirited etc.
Naimbintahan si KC sa birthday ni ex Pres. Clinton dahil sa kanyang capacity as UN World Food Programme Philippines National Ambassador Against Hunger since 2008.
More than five months nang break si KC sa former Azkals player na si Aly Borromeo.
Isang filmmaker din umano si Pierre.
- Latest