^

PSN Showbiz

Brandon magda-drama na rin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Brandon magda-drama na rin!
Devon & Brandon

Hindi na talaga maaawat ang pag-aartista ng Fil-Am Mixed Martial Artist na si Brandon Vera dahil pagkatapos magbida sa BuyBust, mapapanood siya sa episode ng Magpakailanman sa darating na Sabado.

Bulag na nagkagusto sa kapwa bulag na ginagampanan ni Devon Seron ang role ni Brandon sa Saturday night drama anthology ni Mel Tiangco sa GMA 7.

Talent ni Dondon Monteverde si Brandon na nagpakitang-gilas sa pag-arte sa BuyBust kaya siya ang pinili para maging leading man ni Devon sa Magpakailanman.

Inglisero si Brandon pero hindi problema sa kanya ang pagsasalita ng Pinoy language dahil nakakapagsalita at nakakaintindi siya ng Tagalog.

Nakilala ko naman si Devon sa presscon ng Bakwit Boys dahil siya ang nag-iisang babae na cast member ng pelikula ng T-Rex Entertainment.

First time ni Devon na magbibida sa Magpakailanman dahil contract star na siya ng GMA Artist Center.

May mga pelikula na ginawa si Devon sa Regal Entertainment Inc. at nagkaroon na rin siya ng international movie, ang You With Me na pinagbidahan nila ng mga Korean actor na sina Hyun Woo at Jin Ju-Hyeong.

Twenty-five years old na si Devon pero bagets pa rin ang itsura niya at may common denominator kami dahil parehong May 20 ang mga birthday namin.

Pamilya Villar malaki ang malasakit sa local movie industry

Hindi totoo ang tsismis na hindi nakiisa sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang management ng mga sinehan sa mall na pag-aari ng pamilya Villar.

May nang-iintriga lang sa favorite family ko dahil palabas sa mga sinehan ng Vista Mall ang mga pelikula na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Paano ipapaliwanag ng mga intrigero at intrigera na mapapanood sa mga sinehan ng mga Villar ang Unli Life, The Day After Valentine’s, Bakwit Boys at ang ibang mga kasali sa film festival ng Film Development Council of the Philippines?

True na palabas pa rin sa Villar-owned cinemas ang Hollywood movie na The Meg na hindi naman makatarungan na alisin dahil patuloy na pinipilahan ng moviegoers.

Second week na ng The Meg sa mga sinehan at palabas pa rin ito sa mga cinema ng mga naglalakihan na mall kaya nakapagtataka na nakasentro ang pang-iintriga sa business establishment na pag-aari ng mga Villar.

Matagal ko nang kaibigan ang Villar family kaya alam ko ang pagmamalasakit nila sa local entertainment industry.

Maraming beses nang nakausap ng entertainment press sina Senator Manny Villar at Senator Cynthia Villar, pati ang kanilang mga anak na sina DPWH Secretary Mark Villar at Camille na dating co-host ni Willie Revillame sa dating game show nito sa TV5.

Ang entertainment writers ang makapagpapatunay sa malaking pagpapahalaga ng mga Villar sa local movie industry at sa mga manggagawa nito. 

Sarah-Regine concert may chance!

Tuwang-tuwa ang fans ni Sarah Geronimo dahil rekomendado ni Regine Velasquez sa lahat ang Miss Granny.

Touched na touched ang fans sa pagpo-promote ni Regine sa social media ng pelikula ni Sarah na ipalalabas sa mga sinehan simula sa August 22.

Alam ng fans ni Sarah na mataas ang respeto at malaki ang paghanga ng idol nila sa Asia’s Songbird kaya pangarap nila na magkasama ang dalawa sa isang major concert na hindi imposible na mangyari dahil maganda ang relasyon ni Regine kay Boss Vic del Rosario.

Puwedeng si Boss Vic ang mag-produce ng Regine-Sarah concert na siguradong big hit kapag nagkaroon ng katuparan.

vuukle comment

BRANDON VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with