^

PSN Showbiz

Alex susubukan kung papatok kay Paolo!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Alex susubukan kung papatok kay Paolo!
Alex

Tuloy na tuloy na ang pagsasanib-pu­wersa ng Viva Flms at OctoArts Films sa pamamagitan ng isang movie project na tatampukan nina Alessandra (Alex) de Rossi at Kapuso actor na si Paolo Contis. Pero hindi pa sinabi kung sino ang magdidirek ng pelikula.

Sina Alex at Paolo ay parehong Fil-Italian actors.  Parehong Pinay ang kanilang respective mothers at Italian naman ang kanilang mga ama.  Magkasing-edad din sina Alex at Paolo na parehong 34 at pareho rin silang award-winning actors.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang pagiging surprise mega hit ng indie movie na Kita Kita na pinagtambalan nina Alex at Empoy Marquez na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo for Spring Films (nina Pio­lo Pascual, Direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo) at ipinalabas nung July 2017.  Ang nasabing pelikula ay ginastusan umano  ng P10-M pero P320-M ang kinita ng pelikula sa takilya sa entire run nito.

Ang reunion movie nina Alex at Empoy ay magiging posible lang siguro sa bakuran ng Star Cinema kung saan nakatali ang actor-comedian pero si Alex ay malayang gumawa ng project sa iba’t ibang movie production.

Ang Viva Films big boss na si Boss Vic del Rosario at big boss ng OctoArts Films na si Boss Orly Ilacad ay mag-first cousins.

Erich ‘di tinalo nina Ejay at Enchong

Aminado ang The Blood Sisters lead star na si Erich Gonzales na naging close siya sa kanyang co-lead actors sa TV series na sina Enchong Dee at Ejay Falcon na una niyang nakatrabaho bilang leading men sa kanyang first lead role, ang Katorse nung 2009. 

Magmula noon ay naging kaibigan na niya ang dalawang actor.  Pero hindi nito ikinakaila na nagkaroon umano sila ng tampuhan noon ni Ejay at halos dalawang taon silang hindi nag-usap ng actor.  Pero ang maganda sa kanila nina Enchong at Ejay ay hindi ito humantong sa ligawan kaya maganda pa rin ang kanilang samahan hanggang ngayon.  Lalo lamang sila naging close nang kanilang gawin ang The Blood Sisters na magtatapos ngayong Biyernes.

Tumagal din sa ere ng mahigit anim na buwan, umaasa pa rin sina Erich, Enchong at Ejay na magkakasama-sama pa rin sila sa ibang future projects either sa TV o sa pelikula lalo na ngayong isa na ring movie producer si Erich na kanyang sinimulan sa action-drama movie na We Will Not Die Tonight na dinirek ni Richard Somes who co-produces the movie with Erich. Ito’y kalahok sa ongoing Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na nagsimula kahapon at magtatapos sa August 21, 2018.

Alex nahuli si Robi at bagong dyowa

Almost two years na ring hiwalay ang ex-PBB housemate-turned TV host na si Robi Domingo sa kanyang ex-girlfriend, ang dating Ateneo Lady Eagles volleyball player-turned TV host na si Gretchen Ho.

Mukhang malabo nang magkabalikan pang muli ang dating magkasintahan dahil meron na umanong bagong girlfriend si Robi na hindi taga-showbiz at ito’y aksidenteng nakita sa isang mall ni Alex Gonzaga kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.

Pero hindi ibinuking ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ang identity ng girl. 

 

vuukle comment

ALESSANDRA (ALEX) DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with