^

PSN Showbiz

Alden laging pinagmamalaki ang costume

Debbie Castillo - Pilipino Star Ngayon
Alden laging pinagmamalaki ang costume
Alden

MANILA, Philippines — Hindi maiwasan ni Alden Richards na ipagmalaki ang costume niya bilang si Victor Magtanggol sa tuwing suot niya ito dahil isang Pinoy designer ang may likha nito. Para sa kanya  ‘ang sarap nitong ipakita sa buong Pilipinas’ dahil ipinakikitang hindi nagpapahuli sa international designers ang tunay na husay ng Pinoy.

Buong puso ring nagpapasalamat si Alden sa lahat ng tumutok sa kanyang GMA telefantasya simula nang umere ito kung saan hinahangaan ang mala-world class na special effects nito. Para kay Alden, ang creatives at post-production team ang may kagagawan nito at talagang saludo siya sa mga ito. Kuwento pa ni Alden ay excited na siya sa mga susunod pang adventures ni Hammerman.

Richard at Jodi, may pa-good vibes

Muling maghahatid ng good vibes ang kina­kiligan ng lahat na Be Careful With My Heart simula Lunes (Agosto 20) sa Jeepney TV na napapanood na rin sa ABS-CBN TVplus.

Balikan ang mala-fairytale na kwento nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) sa muling paglalahad nito sa Be Careful With My Heart Rewind. Hindi lamang lokal na mano­nood ang pinasaya ng matagumpay na tele­seryeng tumakbo ng dalawang taon. Ang New York Festival-nominated series ay sinundan at minahal din ng mga mano­nood sa ibang bansa tulad ng Malaysia at Vietnam.

Bukod sa nasabing programa, higit pang kasiyahan ang ibibigay ng Jeepney TV tuwing Sabado sa Doble Pasado Pelikula tampok ang mga palabas nina Sharon Cuneta at Maricel Soriano.

Mapapanood ang Bukas Luluhod Ang Mga Tala ng Megastar at ang Jack en Poy ni Marya sa Agosto 18. Ipapalabas naman ang tambalang Sharon at Richard Gomez na Kahit Wala Ka Na at ang Super Inday and the Golden Bibe ng Diamond Star sa Agosto 25.

Samantala, tuluy-tuloy na ang entertainment-oriented talk show na Showbiz Pa More sa season 2 nito. Makakausap ni DJ Jhai Ho si Robi Domingo sa Agosto 19. Bibida naman si Erik Santos bilang special guest ng nasabing talk show sa Agosto 26 at si Rommel Padilla sa dara­ting na Setyembre 2.

Balikan ang kilig sa Be Careful With My Heart Lunes hanggang Biyernes, 6 PM, simula Agosto 20 (Lunes). Abangan ang Doble Pasado Pelikula tampok ang mga palabas nina Sharon at Maricel tuwing Sabado, 1 PM at huwag palampasin ang season 2 ng Showbiz Pa More, tuwing Linggo, 4 PM.

AiAi at Therese may napatunayan

Muli na namang pinatunayan ng GMA stars na sina AiAi delas Alas at The­rese Malvar na hindi basta-basta ang talento ng isang Kapuso. Sa katatapos lang kasi na Cinemalaya awards night noong weekend, sila ang nakakuha ng pinakamatataas na parangal sa nasabing film festival. Ang The Clash judge ang nakakuha ng Best Actress Award para sa natatangi niyang pagganap sa indie film na School Service habang si Therese naman ang Best Supporting Actress dahil sa mga karakter niya sa mga palabas na Distance at School Service.

Hindi man nakadalo, taos-puso ang naging pasasalamat ni AiAi sa lahat ng bumubuo ng Cinemalaya dahil isa raw itong karangalang hindi niya makakalimutan; habang si Therese naman, tears of joy habang nagsasabi ng kanyang speech.

Kuwento nina Kylie, Sanya at Gabbi, tinutukan

Ang kulit at ang saya lang ng naging Sunday eve­      ning dahil sa kuwento nina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Para kasing naglalaro lang ang mga karakter nito na sina Winona, Willow at Winslet kaya no wonder na ito ang sinusundan ng mga chikiting sa bawat tahanan. Iba talaga ang powers ng tatlong ito.

Abangan kung anong susunod na mangyayari sa kuwento nila at kung sino ang makakasama pa nila.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with