^

PSN Showbiz

Best Actress ni AiAi sa Cinemalaya walang kumuwestiyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Best Actress ni AiAi sa Cinemalaya  walang kumuwestiyon
AiAi

Congratulations kay AiAi delas Alas na mas kilala bilang Comedy Queen pero sineseryoso na ngayon na dramatic actress dahil sa mga indie movie na ginawa niya at nagpanalo sa kanya ng mga best actress award sa mga international film festival.

Si AiAi lang naman ang Best Actress winner sa 14th Cine­malaya Philippine Independent Film Festival dahil sa performance niya sa School Service na sari-sari ang reviews pero walang kumuwestyon sa husay ni AiAi.

Ginanap ang awards night ng Cinemalaya noong maulan na Linggo nang gabi pero hindi nakarating si AiAi dahil may taping siya para sa Sunday Pinasaya.

Of course, napaiyak si AiAi nang malaman niya ang good news. Never na umasa ang Comedy Queen na mananalo dahil mahuhusay rin ang ibang mga nominado.

Dahil nag-win si AiAi ng Best Actress award para sa isang mabigat sa dibdib na pelikula, puwedeng magbago ang desisyon niya na matatagalan as in gagawa  siya ng indie movie sa 2020 dahil sa kanyang busy schedule.

Baka makumbinsi si AiAi na magbida uli sa isang madrama na indie movie kapag may dumating na magandang materyal na magugustuhan niya at muling hahamon sa kanyang kakayahan bilang dramatic actress.

Christopher hindi kayang tapatan bilang History Maker

Congrats din sa alaga ko na si Christopher de Leon na tumanggap naman noong Sabado ng History Maker award sa History Conference na ginanap sa World Trade Center.

Proud wife si Sandy Andolong sa parangal na iginawad sa loving husband niya na undisputed Drama King of the Philippines.

May karapatan si Boyet sa award na natanggap nito dahil sa kanyang mga achievement sa Philippine entertainment industry.

Si Boyet ang King of Philippine Drama dahil limang beses siya na nanalo na best actor ng Famas Awards at hawak niya ang record bilang youngest winner ng Famas award sa edad na 19.

Versatile at very lucky actor si Boyet dahil nakatrabaho niya ang mga direktor na hinirang na National Artist, sina Gerry de Leon, Lino Brocka, Ishmael Bernal at Eddie Romero.

Mahihirapan ang mga baguhan na aktor at ang mga artista na nangangarap na masundan o ma-duplicate ang achievements ni Boyet dahil nag-iisa lang ito. Kung anuman ang mga parangal na ipinagkaloob kay Boyet, pinagsikapan, pinaghusayan at pinaghirapan niya.

Binigyan din ng History Maker award sina Sharon Cuneta, Albert Martinez, Aga Muhlach at Nora Aunor.

Birthday ni Aga noong August 12 at perfect na 49th birthday gift sa kanya ang History Maker award.

Hindi nakadalo si Nora sa HistoryCon event pero ang kanyang Onanay co-star na si Mikee Quintos ang tumanggap ng award niya.

Fangirl na fangirl si Mikee na hindi makapaniwala na makakaharap niya nang personal ang mga icon sa Philippine movie industry kaya super pictorial siya kasama sina Sharon, Albert, Aga at Christopher.

Para sa isang aspiring actress na kagaya ni Mikee, malaking karangalan na magkasama-sama sila sa isang event ng mga award-winning actor na dating napapanood lamang niya sa pelikula at telebisyon.

Masuwerte si Mikee dahil siya ang napili na tumanggap ng award para kay Nora na mas pag-uusapan siguro kung si Jo Berry ang ipinadala sa HistoryCon.

Maingay na maingay ang pangalan ngayon ng “little people” na si Jo dahil sa natural acting talent na ipinakikita niya sa kanyang mga eksena sa Onanay.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with