^

PSN Showbiz

Jackie magaan ang loob nang bumalik pa-London

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Jackie magaan ang loob nang bumalik pa-London

Malungkot man ang pag-alis ng Maynila pabalik ng London kung saan siya naka-base at ang kanyang pamilya, masaya pa ring baon ng dating actress na si Jackie Fors­ter ang kanyang masasayang alaala sa kanyang dalawang nawalay na mga anak na sina Andre at Kobe Paras.

Mahigit sampung taon din ang hinintay at tiniis ni Jackie bago niya muling nakita, nayakap at nakasama ang dalawa niyang binatang anak.

Nagpapasalamat din si Jackie sa kanyang se­cond husband, ang Dutch businessman na si Michel Franken sa pagiging understanding and supportive nito sa kanyang pinagdaanan na muling makamit ang pagmamahal ng dalawa niyang panganay na anak sa dating asawa.

 Jericho at Jaycee, bigatin ang mga sponsor

Sa darating na linggo, August 19 ang kasal ng (dating) actor-turned councilor ng Angeles, Pampanga at ex-husband ng namayapang singer-actress na si Isabel Granada na si Jericho Aguas sa dating Viva Hot Babes member na si Jaycee Parker.

Matagal nang nagsasama sina Jericho at Jaycee pero ngayong Linggo pa lamang sila magpapakasal at ito’y suportado ng teenage son ni Jericho sa kanyang dating misis na si Isabel, si Hubert Aguas na siyang tatayong best man sa kasal.

Sina Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” dela Rosa, da­ting governor ng Vigan, Ilocos Sur Chavit Singson at dating Senador Lito Lapid ang mangunguna sa mga principal sponsors. Kasama naman as Bridesmaids at Secon­dary Sponsors sina Antoinette Taus, RR Herrera, Maui Taylor, Katya Santos at iba pang miyembro ng Viva Hot Babes. Inaasahan din ang pagdalo ng iba pang mga kaibigan ng dalawa in and out of showbiz.

Samantala, imbitahin kaya nina Jaycee at Jericho ang nag-iisa na ngayong ina ni Isabel Granada na si Mommy Guapa Castro-Granada sa kanilang kasal?

 Kylie gaganap na Osyana

Si 2016 Miss International na si Kylie Verzosa ang gaganap sa title role na “Osyana” na isang Pinoy heroine na nakatakdang i-produce ng Epik Studios, sister company ng Viva Films.

Ang Epik Studios din ang magpu-produce ng movie remake ng Pedro Penduko na pagbibidahan ni James Reid.

vuukle comment

JACKIE FORS­TER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with