^

PSN Showbiz

Dingdong sumabog sa ginawang paggamit kay Zia

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dingdong sumabog  sa ginawang paggamit  kay Zia

Glaiza nag-expect ng best actress award!

PIK: Si AiAi delas Alas ang surprise winner sa katatapos lang na Cinemalaya 2018 nung nakaraang Linggo, August 12.

Sayang at hindi niya personal na nakuha ang Best Actress Balanghai trophy niya dahil nasa taping ito ng Sunday Pinasaya.

Nakita lang namin sa Instagram na naiyak siya nang natanggap ang naturang balita.

Iyun naman kasi ang wish talaga ni AiAi, na manalo naman siya sa Cinemalaya at sana nga makakuha rin siya ng Manunuri award.

Marami ang nanghinayang na hindi nakuha ni Glaiza de Castro ang Best Actress award dahil siya ang hinuhulaan ng karamihan na mananalo sa magaling niyang pagganap sa Liway.

Mukhang pinaghandaan pa naman ito ng Kapuso actress at nagpalit pa ng gown pagkatapos niyang kumanta sa awards night.

Si Eddie Garcia naman ang ginawaran ng Best Actor trophy sa magaling din niyang performance sa pelikulang ML. Binigyan siya ng standing ovation nang tanggapin ang pangatlong Best Actor trophy sa Cinemalaya.

PAK: Hindi pa man nag-showing ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, in-announce na ng Star Cinema ang susunod na gagawin ni Kathryn, na this time hindi na kasama si Daniel.

Gaganap ang Kapamilya young actress bilang anak ni Sharon Cuneta sa reunion movie nila ni Mayor Richard Gomez na ididirek ni Cathy Garcia-Molina, may tentative title na Three Words to Forever.

Noon pa ito naibulong sa amin ng ilang loyal supporters ng KathNiel na meron daw project na pagsasamahan sina Sharon at Kathryn, pero hindi pa nila alam noon na kasama si Goma at wala na si Daniel.

Kaya naman ngayon pa lang ay all-out na ang suporta ng mga KathNiel fans sa The Hows of Us nila dahil ito na bale ang huling project na pagsasamahan ng dalawa.

BOOM: Sa gitna ng baha sa Navotas, nag-taping pa rin doon ang Ang Probinsyano na kung saan ginamit nila roon ang sumadsad na barko sa may Navotas bridge dala ng malakas na bagyong Karding at habagat.

Nagulat nga ang mga media na nag-cover doon sa baha dahil biglang nagkaputukan. Iyun pala, eksena lang ito nina Coco Martin at Lito Lapid.

Pero kahapon din ay nag-post na rin si Dingdong Dantes sa kanyang Facebook account ng sulat na ipinarating niya sa team ng Ang Probinsyano.

Ito yung paggamit ng litrato nila ni Marian Rivera, at ang sa binyag ni Zia.

Sa post na iyun ay ibinahagi ni Dingdong na nagpadala na pala siya ng sulat sa mga taga-Ang Probinsyano na kung saan ipinarating niyang nasaktan siya sa paggamit ng litrato nila nang hindi lang minsan kundi dalawang beses pa.

Sabi ni Dingdong, wala na raw sana siyang balak na isapubliko pa ang isyung ito dahil nagpadala naman siya ng sulat sa production team ng naturang teleserye, pero concerned din daw dito ang mga Dongyanatics, kaya ipinost na niya ito sa kanyang FB account.

Bahagi ng post ni Dingdong; “Courtesy and fair practice must always be observed especially in an established industry like ours. But whether or not it is done within the entertainment sector, we should always be reminded of the basic etiquette for online photo use and sharing that includes asking permission and/or citing sources.

“I do hope that this won’t happen again to anyone.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with