^

PSN Showbiz

Usap-usapan ang pagiging pedophile, Male celeb minolestiya ang pamangking 11 years old!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Producer ng Goyo nagsalita sa bintang na bangkarote na

PIK: Hindi nagbakasyon out of town ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para i-celebrate ang kanilang kaarawan.

Nung August 2 si Dingdong at kahapon naman si Marian na sinilebreyt ng Sunday Pinasaya siyempre.

Dinner lang daw sila kasama ang pamilya ang kanilang selebrasyon dahil hindi pa raw sila puwedeng lumabas para magbakasyon.

“Maraming trabaho eh. Saka na yun. Naubos na rin ang bakasyon namin,” pakli ni Dingdong.

Kasabay ding nag-celebrate ng birthday kahapon ay si Iza Calzado na hinuhulaang mag-Best Actress sa Cinemalaya.

Ang pagkakaalam ko, hindi na siya nakadalo sa awards night ng Cinemalaya kagabi dahil may taping siya sa ASAP para sa promo ng bagong soap niya sa ABS-CBN 2 at may konting selebrasyon kasama ang pamilya.

Dapat ay lilipad pa ng Amerika si Iza para tanggapin ang Best Actress award na ibibigay sa kanya ng Gawad Amerika, pero hindi na siya matutuloy. Kaya ang dinig namin, sa ibang aktres na lang daw nila ito ibibigay. Dapat pala present ang recipient ng award, at kapag waley, ibibigay na lang sa iba?

PAK: Usap-usapan na pala sa lugar nitong male celebrity na nanalo sa isang patimpalak ang pagiging pedophile ba niya?

Nakarating na raw sa mga kapitbahay ang reklamo ng batang pamangkin niyang babae ang kahalayang ginawa nitong si male celebrity.

Lagi raw niyang kasama itong batang pamangking edad 11 o 12 years old yata, na ang buong akala ng mga kapitbahay ay mahal lang niya talaga.

Pero isang araw, umiiyak daw itong batang pamangkin na nagsumbong sa nanay nung male celebrity na may kabastusang ginawa raw sa kanya.

Nagsumbong daw ang bata na hinipuan daw siya nitong tiyuhin niyang male celebrity. Mabuti at hindi naman umabot sa mas malala pa run, pero hindi lang daw siya kumportable na gawin sa kanya nitong tito niyang male celebrity.

Ang nakakalungkot, sa halip na sitahin si male celebrity ng nanay niya, wala  naman daw itong ginawa. Ang dating daw sa bata parang mas kinampihan pa itong si male celebrity na nambastos sa kanya.

Nag-aalala na raw ang mga kapitbahay at ilang tagaroon na nakaalam ng kuwento na baka may gagawin pa raw itong si male celebrity na mas malala pa sa batang pamangkin niya. Huwag naman daw sana umabot sa ganun.

BOOM: Itinatanggi ng isa sa mga producers ng Artikulo Uno na si Vincent Nebrida ang kumakalat na balitang magpa-file raw ng bankruptcy ang natu­rang film outfit. Itong pelikulang Goyo raw ang huling pelikulang prinodyus nila.

“Hindi naman! Knock on wood hindi naman,” mabilis na sagot sa amin ni Mr. Nebrida ng Artikulo Uno.

“We have films in development. We’re currently shooting a film, and we’re shooting another one before the end of the year,” dagdag niyang pahayag.

Halos dalawang taon nga raw nilang ginawa itong Goyo ni Paulo Avelino, at proud daw silang nabuo nila itong pelikula na puwede talagang tumapat sa ginawa nilang Heneral Luna.

Aminadong may pressure raw sa kanila itong Goyo dahil sa naitalang record ng Heneral Luna sa takilya. Pero mas iniisip daw nilang nakagawa na naman sila ng magandang pelikulang maipagmamalaki ng bawat Pilipino.

“Ang sa amin basta makagawa lang kami ng pelikula na gusto naming gawin.

“I think we’re doing everything we can. We’re expecting that those who watched the Luna want to see Goyo,” dagdag na pahayag ni Mr. Nebrida.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with