^

PSN Showbiz

Kathniel, Echo at Maja, itinodo ang rampa sa Thailand

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathniel, Echo at Maja, itinodo ang rampa sa Thailand
Daniel, Kathryn, Maja, at Echo

MANILA, Philippines — Mainit na tinanggap ng fans sa Thailand ang mga Kapamilya stars na sina Daniel Padilla, Jericho Rosales, Kathryn Bernardo, at Maja Salvador sa naganap na JKN Blue Mega Showcase kung saan ipinakilala ang mga bagong ABS-CBN shows na eere sa Land of Smiles. 

Ipinakilala ng JKN Global Media, isa sa mga pinakamalaking networks sa Thailand, ang Kapamilya stars bilang bida sa mga bagong acquired shows nito mula sa Kapamilya Network  - La Luna Sangre, Wildflower at Magpahanggang Wakas na may international title na I’ll Never Say Goodbye.

Rumampa at kumanta sila Jericho, KathNiel, at Maja sa inaabangang pagdiriwang na dinaluhan ng mara­ming Thai fans na gustong makita ng personal ang mga artistang bida sa Pangako Sa ‘Yo, Bridges of Love,  at The Legal Wife, ang mga teleserye na nauna nang napansin sa Thailand.

Naging bisita rin ang mga Kapamilya artists sa iba’t bang Thai news shows at sa talk show mismo ni Anne Jakkraphong Jakrajutatip, isang sikat na celebrity at siyang CEO ng JKN Global Media.

Ayon kay Anna, natutuwa sila sa pagdalo ng big stars ng ABS-CBN sa JKN Blue Mega Showcase dahil ito ay nagbigay ng bagong klase ng entertainment sa mga Thai viewers at nagpasaya rin ng mga Filipino fans na naninirahan doon.

Namamayagpag ang ilang Kapamilya shows sa ibang bansa at napapanood ng ibang lahi dahil sa ABS-CBN International Distribution.

Miss Granny PH dinagsa kahit bagyo

Kahit malakas ang ulan at baha sa maraming lugar hindi lang sa Metro Manila, dinagsa ng fans ang mall tour ng pelikulang Miss Granny.

Wa care ang fans nina Sarah Geronimo, James Reid and Xian Lim sa rainfall alert na nagbadya ng matinding pagbaha sa maraming lugar.

Nasa no. 1 spot kahapon sa Twitter ang #MissGrannyPHTourSMStaRosa.

Showing na sa August 22 ang Miss Granny.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with