Big stars present sa pista sa park grand fans day and all-star parade
Ngayon hapon na magaganap ang Pista at the Park Grand Fans Day and All-Star Parade, ang pinakamalaking kick off ng PPP 2018 na mag-uumpisa ng 10:00 AM sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle.
Naghanda ng maraming activities ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Liza Dino para sa buong araw ng fun-filled games at cultural performances mula sa Sindaw, Kontra-GaPi at Ryan Tamondong na may special performances mula sa local artists na sina Mark Joseph Bornales, Mikhail Ali Hooshmand, Awkweird, Van Sulitas, Shaira Hao, Alexia Sumilang, Onin Gonzales, Cheantel Daints Caro, Edric Vanguardia at Stef Aranas.
Pagdating ng 2:00 PM, sisimulan ang PPP All-Star Parade na mag-uumpisa sa harap ng MTRCB Building sa Timog at magtatapos sa Quezon Memorial Circle.
May kanya-kanyang inihandang ‘float’ ang walong pelikula kung saan sasakay ang mga bidang artista nila kasama rin ang mga bida sa Special Feature Section at Sine Kabataan entries.
Ilan sa mga makiki-join ay sina Markus Paterson at Sue Ramirez ng Ang Babaeng Allergic sa WiFi; Devon Seron, Vance Larena at Nikko Natividad ng Bakwit Boys; Nico Antonio, Edgar Allan Guzman at Chai Fonacier ng Pinay Beauty; Christian Bables ng Signal Rock; JC Santos at Bela Padilla ng The Day After Valentine’s; Winwyn Marquez ng Unli Life and Erich Gonzales ng We Will Not Die Tonight.
Magpapa-raffle din sila ng 100 passes sa buong araw sa PPP’s PistAmazing Race kung saan lahat ay pwedeng sumali sa pamamagitan lamang ng paggawa ng hindi bababa sa 10 sa 12 na tasks na ibibigay sa mismong araw ng Pista at the Park. Ang kailangan lang nilang gawin ay i-download ang PistApp sa Google Play o App Store para makasali.
Ang Pista at the Park ay co-hosted ng Office of the Vice Mayor Quezon City (OVM) Joy Belmonte at Quezon City Film Development Commission (QCFDC) kasama ng Pista at the Park official event sponsor, ang JCE Inflatables.
- Latest