^

PSN Showbiz

Sharon pabobonggahin ang presence sa social media

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon pabobonggahin ang presence sa social media
Sharon

MANILA, Philippines — Mas palalakasin/pabobonggahin ni Sharon Cuneta ang presence niya sa social media.

Bilang bahagi ng kanyang 40th anniversary in showbiz, inilunsad niya ang SharonCunetaNetwork, ang official media platforms niya sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube.

Kasama rin sa celebration ng kanyang apat na dekada sa showbiz ang kanyang major concert - My 40 Years, Sharon - sa darating na September 28 sa Araneta Coliseum.

Makikita sa SharonCunetaNetwork ang exclusives and original content ng  activities ni Megastar - sa pelikula, TV, musika, live performances, at endorsements at pati na rin ang makulay at nakaka-inspire niyang personal na buhay bilang isang ina, asawa, sister, and friend.

Sa Facebook, ang kanyang pinakabagong opisyal na handle ay SharonCunetaNetwork; sa Twitter naman, ito ay @SharonCunetaNet; sa Instagram ay @SharonCunetaNetwork; at Sharon Cuneta Network naman ito sa YouTube.

Makikipagpukpukan na nga si Ms. Shawie sa social media na kinabibilangan ng kanyang verified Sharon Cuneta Facebook Page na may humigit sa 1 milyong followers; ang kanyang @sharon_cuenta12 Twitter account na mayroong 1 million followers; at ang kanyang @reallysharoncuneta Instagram account na may humigit sa 631,000 followers.

Bilang paunang offering, ipi-feature ng SharonCunetaNetwork ang mga one-of-a-kind webisodes na magpapakita ng iba’t ibang aspeto ng karera at personal na buhay ni Sharon. Kasama rito ang  paglalakbay niya patungo sa landmark event na My 40 Years, Sharon – na itinuturing na isa sa mga pinakahihintay at pinaka-engrandeng musical at industry events ng taon kung saan sina Louie O­campo, Mel Villena, at Ryan Cayabyab ang mga musical directors at sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez, at Gary Valenciano ang special guests.

Bring it on Ms. Shawie. Bawat galaw pa naman niya ay inaabangan lalo na pag tungkol kay KC at sa husband niyang si Sen. Kiko Pangilinan ang kanyang topic. Asahan din na makikipagbalitaktakan siya sa kanyang followers.

Noon ay sinabi ni Ms. Shawie na hindi siya sumikat dahil sa social media, pero iba na ang takbo ng panahon.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with