^

PSN Showbiz

Carlo at Angelica naging comfortable sa lovescene

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Carlo at Angelica naging comfortable sa lovescene
Angelica & Carlo

Hindi inakala ni Carlo Aquino na marami pa rin ang mga tagahangang kinikilig sa tambalan nila ng dating kasintahan na si Angelica Panganiban. Magbibida ang dalawa sa pelikulang Exes Baggage na malapit nang mapanood sa mga sinehan.

“Nagugulat ako doon sa pagtanggap ng mga tao, na nandiyan pa din sila. Kinikilig pa din sila sa amin. Siguro nakadagdag na lang din sa amin na parehas kaming single, wala kaming dini-date or hindi kami taken,” nakangiting bungad ni Carlo.

Mayroong ilang maseselan na eksena ang dalawa sa bagong proyekto pero hindi na raw nagkailangan nang gawin ang mga ito. “May love scene. Sobrang kumportable kasi kami sa isa’t isa pero si direk Dan (Villegas), iba ‘yung executions niya. Ang ganda nang ginawa,” pagbabahagi ng binata.

Madalas na nagkakasama sina Carlo at Angelica ngayon kaya hindi rin maiwasaan na napag-uusapan minsan ang kanilang nakaraan. “’Yung high school days niya, sinusundo ko siya tapos dumadalaw kami sa kung saan. At saka hindi lang ‘yon, kapag wala kaming shoot, nagkikita-kita kami ng mga high school friends niya hanggang ngayon, nagkukuwentuhan. Parang ang dami naming naaalala,” kwento ni Carlo.

Posible kayang magkabalikan ang dating magkasintahan? “Part siya ng past ko at ng present ko. Ang dami niyang alam tungkol sa akin. Ang dami kong alam tungkol sa kanya. Sa lahat ng kaibigan kong babae, iba ‘yung pagmamahal at ‘yung care ko sa kanya,” makahulugang sagot ng aktor.

Christian natutulala ‘pag kaharap si Echo

Simula sa Lunes ay mapapanood na sa Primetime ng Kapamilya network ang teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby.

Kabilang din sa bagong soap opera si Christian Bables na aminadong na-star struck kay Jericho nang makaeksena ang aktor. “Every time na nagsasalita si Jericho, hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko. Pinapanood ko na lang siya. Hindi ko alam kung ba’t ako nagkakagano’n no’ng kaeksena ko si Echo. Dati ginagaya ko lang sa salamin ng CR namin ‘yung mga eksena niya sa Pangako Sa ‘Yo. Actually, gusto ko magpa-picture sa kanya pero hindi, nahihiya ako,”  natatawang kwento ni Christian.

Samantala, naibahagi rin ng aktor na minsan nang nakitulog sa kanyang bahay si Jane Oineza. Naging malapit na magkaibigan umano ang dalawa mula nang magkasama sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. “Nakatulog na po siya sa bahay. Bumisita lang because we’re friends,” pagtatapat ni Christian.

Ayon sa binata ay hindi naman sila magkatabing natulog ni Jane dahil sa kanilang guest room nakitulog ang aktres noon.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with