^

PSN Showbiz

Scarlet, Zia, at Talitha hinulaang magiging superstar

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Scarlet, Zia, at Talitha hinulaang magiging superstar
Scarlet, Zia, at Talitha

Sa dami ng mga celebrity child ngayon Mama Salve, parang ang hirap hulaan kong sino sa kanila ang mga magiging future superstar. Pero siyempre una na sa listahan sila Scarlet Snow Belo at Zia Dantes. Mga bata pa lang, grabe na fans nila. At mga bata pa lang bongga na silang mag-aura ha.

Siyempre i-consider mo rin na runner up si Talitha Sotto dahil imposible naman na hindi siya magmana sa tatay niyang si Vic Sotto na ngayon pa lang ay panay na ang turo sa kanyang kumanta.

May iba pang babies pero kung titingnan mo nasa frontline ang tatlong babae na ito sila Scarlet, Talitha at Zia.

Naku sana maabutan ko kahit iyon teen years nila dahil parang gusto kong makita ang tatlong ito kung paano lalaki, will Scarlet be the top derma of the country like her mom Dr. Vicki Belo? Will Zia be the next primetime superstar like her Mommy Marian? Will Talitha be a top host of Eat Bulaga 65th anniv? Bongga, bantayan natin ang kanilang paglaki. 

Louise hiwalay na kay Champ

Confirmed na hiwalay na si Louise delos Reyes at ang boyfriend nito na si Champ Lui Pio dahil ibang mhin ang kasama niya sa litrato na kanyang inilabas sa social media, isang sign na nag-move on na ang dalaga.

Noong may relasyon pa ang dalawa, matipid lang ang sagot ni Louise sa mga reporter na nangu­ngumusta sa kanyang boyfriend na vocalist ng isang banda.

Sinasabi ni Louise na happy siya sa kanyang lovelife pero hindi niya binabanggit ang name ni Champ.

Walang nakakaalam sa tunay na dahilan ng break up nina Louise at Champ pero kumalat ang balita na naghiwalay sila bago sumapit ang Valentine’s Day.

Ang tsismis, na-in love umano si Champ sa isang babae na law student kaya natapos na ang mahigit sa dalawang taon na love affair nila ni Louise.

Chito tutok sa Signal...

Hoping si Chito Roño na tatangkilikin ng moviegoers ang Signal Rock para makita nila ang mahusay na performance ni Christian Bables.

Si Christian ang lead actor ng pelikula ni Chito na official entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines.

Saludo si Chito sa acting talent ni Christian na first time niya na nakatrabaho sa isang pelikula.

Bukod sa magaling na aktor si Christian, hanga si Chito sa husay niya sa pagsasalita. In demand si Christian sa mga speaking engagement sa mga school at mala­king tulong ito dahil nagagawa niya na i-promote sa mga estu­dyante ang Signal Rock, ang pelikula na malapit na malapit sa puso ni Chito.

Idea ni Chito ang kuwento ng Signal Rock na  siya mismo ang producer at direktor. Nakatutok si Chito sa promo ng Signal Rock kaya present siya sa lahat ng mga mall show ng mga artista ng pelikula niya.

Sex scene ni Direk sa School... umiingay

Maingay na maingay ang sex scene sa School Service ng direktor na si Joel Lamangan at ng Starstruck VI contestant na si Kevin Sagra kaya marami ang naghahanap ng video clip o litrato ng tsugihan portion nila.

Sorry na lang sa mga nagpapantasya dahil suggestive lang ang pinag-uusapan na eksena nina Joel at Kevin.

Mas eskandaloso pa nga ang dialogue sa pelikula ng mga child actor na co-stars ng dalawa at witness sa ginagawa nila sa loob ng school service.

For a change, artista at hindi direktor si Joel sa pelikula ni AiAi delas Alas na entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Si Joel ang gumanap na baklitang kapatid ni AiAi at dahil artista muna siya bago naging direktor, nabigyan niya ng justice ang role na ipinagkatiwala sa kanya.

Hindi ko kaya babu na...

Malapit nang mag-babu sa telebisyon ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ang advocaserye ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mike Tan at Jackie Rice.

Nakakaramdam na ng separation anxiety si Yasmien dahil pamilya na ang treatment niya sa kanyang co-stars at sa production crew ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na nakatrabaho niya ng mahigit sa anim na buwan.

vuukle comment

SCARLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with