^

PSN Showbiz

Young actress niluwagan ng mga magulang sa bagong ‘bf’

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kung noon strict sa ka-loveteam

MANILA, Philippines — Pinapayagan naman pala ng kanyang pamilya ang young actress (YA) na ito na makipag-date at sa aktor pa na nali-link sa kanya. Nakita si YA sa isang bar sa BGC sa The Fort kasama ang aktor na sinasabing nanliligaw sa kanya at para siguro hindi masyadong buking, nagsama ang dalawa ng kanilang mga kaibigan.

Kaya mali ang sinasabi ni YA na mahigpit ang pamilya niya sa kanya at bawal siyang pumunta sa bar. In fairness, noong karelasyon pa ni YA ang young actor na ka-love team niya, bawal silang pumunta sa bar na sinusunod naman ng dalawa.

Hanggang malling, kumain sa labas at manood ng sine ang date ng magka-love team at lagi pang maraming kasama. Kaya nakakagulat na pinapayagan si YA ng pa­milya niya na mag-bar kasama ang mga kaibigan.

Ibig bang sabihin nito, mas nagtitiwala ang pamilya ng aktres sa aktor na nali-link sa kanya ngayon kesa sa ka-love team nito na matagal ding nakarelasyon? Parang insult naman ito sa dating karelasyon ni YA.

Rayver mas pinili nila Lotlot na makasama sa reunion kesa sa inang si Nora

Ang tanong kay Lotlot de Leon kung kailan makukumpleto ang pamilya nila at kung kailan nila makakasama ng kanyang mga kapatid sa litrato ang ina nilang si Nora Aunor?

Nag-post kasi si Lotlot ng pictures nilang magkakapatid, kasama ang ­fiance niya, ang asawa at mga anak ni Matet de Leon, ang asawa at anak ni Ian at mga anak ni Lotlot. Kasama pa nga sa picture ang BF ni Janine Gu­tierrez na si Rayver Cruz, kaya nagtatanong ang followers ni Lotlot at fans ng ina niyang si Nora kung kailan nila makakasama sa reunion at sa litrato si Nora? Kung si Rayver nakasama sa picture, bakit hindi si Nora?

Bale ba, ang caption ni Lotlot sa pinost na pic­tures ay “Families are the compass that guides us. They are the inspiration to reach great heights, and our comfort when we occasionally falter” na mula kay Brad Henry.

Pero tama ang close kina Nora, Lotlot at mga kapatid nito, sila lang at walang dapat makialam na lutasin ang problema nila na mala­king hadlang para sila ay maging masayang isang pamilya.

Marami pa namang ikukwento si Lotlot kay Nora, gaya nang wedding niya sa December at ang graduation ng only boy nila ni Ramon Christopher na si Diego na nag-graduate ng Bachelor of Arts in Integrated Marketing Communications sa University of Asia and the Pacific.

Regine mas deserve ang award na ‘walang tinatanggihan’

Kabilang si Sharon Cuneta sa mga nag-congra­tulate kay Regine Velas­quez sa mga nomination ni Regine sa 8th EdukCircle Awards. May three no­mi­nations si Songbird, kabilang ang Most Influential Concert Performer of the Year para sa R3.0 concert niya sa MOA.

Nominated din si Regine sa Best Entertainment Talk Show para sa Sarap Diva at Best Female Ta­lent Show Host para sa The Clash.

Pinost ni Sharon sa Instagram (IG) account niya ang photo ni Regine at ang nominations nito at may caption na “Congrats my luv! Love you!!!”

Sino kaya ang magbibigay ng award sa singer na paboritong i-guest sa mga concert at lahat ng imbitasyong mag-guest kung kaya ng schedule ay pinagbibigyan? Kung may category sa mga award winning body, si Regine ang dapat manalo. Wala siyang nire-reject na imbitasyon, kaya nakatutuwa.

Kabilang si Regine sa guest sa Annekulit: Pro­mise Last Na ‘To concert ni Anne Curtis sa Smart Ara­neta Coliseum sa August 18 at sabi ni Anne, abangan ang production number nila toge­ther.

Glaiza humawak na rin ng  baril

Gusto naming manood sa Gala screening ng Liway sa August 8, sa CCP. Gusto naming mapanood si Glaiza de Castro hindi lang bilang si Bea at Contessa sa Contessa, kundi bilang si Ka Liway na isang NPA at handang lumaban.

Walang make-up si Glaiza sa Liway, simpleng damit ang suot at baril ang laging hawak.

Ipinagmamalaki ni Glaiza ang Liway na nagsilbing pagbabalik niya sa Cine­malaya.

True story ang Liway “about a young mother with a myste­rious past who uses storytelling to protect her child from the realities of growing up inside a prison camp during the Martial Law.”               

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with