^

PSN Showbiz

Carlo umaming mahal pa talaga si Angelica

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Carlo umaming mahal pa  talaga si Angelica
Angelica at Carlo

May bulung-bulungang na muli nagkakamabutihan ang dating magkasintahan na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Madalas na nakikitang magkasama ang dalawa ngayon kaya may mga nagsasabi na posibleng nagkabalikan na sina Angelica at Carlo. “White noise, kumbaga kung ano ‘yung meron kami, kumbaga special siya sa akin. Kung ano ‘yung sasabihin ng mga ibang tao, hindi ko na iisipin,” bungad ni Carlo.

Kamakailan ay naospital si Angelica kaya agad-agad na pinuntahan ng aktor ang dalaga. “Kasi SONA (State of the Nation Address) ‘yon no’ng papunta na ako sobrang traffic, so hindi ko na siya inabutan. Pinuntahan ko siya sa bahay, nagdala ako ng kung anu-ano,” nakangiting kwento ni Carlo.

Maayos na maayos ang turi­ngan sa isa’t isa ng dating magkasintahan kaya hindi rin nag­kakaroon ng ilangan sa pagitan nina Carlo at Angelica. “Oo, very comfortable kasi ako sa kanya. Gano’n din siya sa akin and bago naging kami, naging friends kami, tapos ayun. Siguro dahil nagsimula kami sa friendship tapos naging kami, kaya rin siguro gano’n kami sa isa’t isa. Kasi nga kumportable kami na alam namin kung ano. Sasabihin niya sa akin kung nao-offend na siya sa ginagawa ko. Gano’n din naman ako sa kanya. And ever since talagang mahal ko naman si Angelica,” paliwanag ng aktor.

Vhong magtitipid sa pagpapakasal

Malapit na umanong maganap ang pag-iisang dibdib ni Vhong Navarro at kasintahang si Tanya Winona Bautista.

Ayon sa aktor ay hindi pa muna nila masabi sa ngayon ang eksaktong date kung kailan mangyayari ang pinakaaabangang kasalan. “’Yung ngiti ko na lang, basahin n’yo na lang ‘yung ngiti ko. ‘Yung date hindi pa pwede natin munang sabihin,” makahulugang bungad ni Vhong.

Nakapag-propose na kaya ang aktor sa kasintahan? “Hindi ko pa rin pwedeng sabihin. Basta sinabi ko naman, siya na ‘yung forever ko eh, wala nang iba. Kumbaga bumubuwelo lang ako kung kailan,” giit ni Vhong.

Hanggang maaari ay gustong gawing pribado ng magka­sintahan ang kanilang gagawing kasalan. “Mas tipid daw ‘yung gano’n eh. Kasi ‘yung girlfriend ko, hindi naman kasi siya showbiz eh. Hindi siya ‘yung maraming tao, gusto niya ‘yung talagang intimate, kami lang. Kung gusto niya nga tatlo lang kami ng pari, gagawin namin. Siyempre kung ano ‘yung parehas na gusto namin dapat. Mahirap ‘yung gusto ko lang,” nakangiting pahayag ni Vhong.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with