^

PSN Showbiz

Sikat na singer-actor, nagiging sinungaling pag may GF!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang katigasan ng ulo ng isang kilalang singer-actor ay umiiral lang kapag meron siyang karelasyon. Ibang klase ang impluwensiya sa kanya ng babae, nakapailalim siya, kaya malaki ang problema ng kanyang manager.

Ilang beses nang ganu’n ang kuwento. Kapag may girlfriend ang singer-actor ay napababayaan niya ang kanyang trabaho. Pati ang kanyang pamilya ay nagrereklamo rin dahil palagi siyang nakababad sa tabi ng kanyang mahal.

Kuwento ng aming source, “Naku, kapag may girlfriend si ____(pangalan ng kilalang singer-actor), e, para siyang kabayong may suot na tapa ojo. Wala siyang ibang nakikita, ang girlfriend lang niya, ‘yun lang ang tanging sentro ng mundo niya.

“Wala siyang pinakikinggang iba, batas para sa kanya ang bawat sabihin ng girlfriend niya, ganu’n siya katindi kapag may karelasyon. Malapit na nga siyang sukuan ng manager niya, di ba?

“Kundi lang sa pakiusap ng mommy niya, e, matagal na siyang binitiwan ng manager niya na napakaluwag na nga sa kanya!” simulang kuwento ng aming impormante.

Hiwalay na sila ng pinakahuli niyang karelasyon na actress din. Napakasarap ng kanilang pagmamahalan nu’n, kung makapagmensahe sila sa isa’t isa, ay akala mo wala nang tomorrow sa sobra nilang kaswitan!

Balik-kuwento ng aming source, “At ang nakakaloka pa, e, natututong magsinungaling ang male personality sa family niya at sa manager niya. Magpapaalam siyang magbabakasyon sa ibang bansa nang mag-isa lang, pero kundi man nauna na sa kanya ang girl, e, susunod pa lang pala sa kanya!

“Makapagdedenay pa ba sila, e, sangkatutak nang pictures na magkasama sila ang ipino-post ng girl sa social media? Ganu’n katigas ang ulo ng singer-actor kapag may karelasyon siya!

“Mabuti naman at nagising na siya sa katotohanan na kailangan muna niyang unahin ang career niya ngayon. Marami siyang pangako sa pamilya niya na hindi niya magawa-gawa, dahil kapag may karelasyon na siya, e, para na siyang naeengkanto!

“Mahina ang disposisyon niya kapag may girlfriend siya, hindi siya makapangat­wiran, basta nakababad lang siya sa lugar kung saan nandu’n ang girlfriend niya!

“Sayang ang career niya kung pababayaan niya. Ang galing-galing pa naman niyang umarte, maganda rin ang boses niya, napakagaling kaya niyang gumanap na beki, di ba?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Nora nag-iisa na sa buhay

Literal nang ulilang-lubos ang Superstar. Pumanaw ang kanyang mga magulang, kasunod namang nawala ang kanilang panganay na si Manong Ernesto, pagkatapos ay ang kanyang Manong Oscar naman ang pumanaw.

Dalawang taon na ang nakararaan ay namatay rin ang kanilang bunso, ang dating artistang si Eddie “Boy” Villamayor, at ang pinakahuling nagpaalam ay ang kanyang Ate Tita.

Nag-iisa na lang sa buhay ngayon si Nora Aunor. Meron naman siyang mga kamag-anak sa panig ng kanyang ama’t ina pero mukhang hindi naman sila nagkakasundo.

Ang kanyang pinsang-buo na si Maribel Aunor na anak ni Mamay Belen na nagbukas ng pintuan ng kapalaran at oportunidad para sa kanyang pagsikat ay hindi rin niya nakakatinginan nang mata-sa-mata. Kaya nga sa mga nagkokomento na hindi dapat Aunor ang gamitin ng anak ni Lala, ang magaling na young singer na si Marion, ay teka naman muna.

Tunay na Aunor si Marion, ang namayapang si Sgt. Saturnino Aunor na ama ni Lala ang Aunor, Villamayor ang apelyido ni Nora.

Ang natitira na lang ngayon sa Superstar ay ang kanyang mga anak na mula sa kanyang puso at hindi sa sinapupunan, ang kaisa-isa niyang anak na si Ian, saka si John Rendez.

Pero sa kanyang pag-iisa ay kailangang lumaban sa buhay ng Superstar, dapat siyang magpakatatag, dahil wala na siyang ibang maaasahan.

Tanong ng isang kausap namin, “Bakit parang walang mga kaibigan si Nora Aunor? Siya lang yata ang artistang walang kagrupong mga kapwa niya artista?”

Nag-isip kami—oo nga naman.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with