^

PSN Showbiz

Catriona handa nang lumaban sa transgender

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Catriona handa nang  lumaban sa transgender
Catriona

Alice nabukong kasal na sa exec ng hotel

PIK: Si Mark Neumann ang revelation sa pelikulang Harry and Patty na nagbukas na sa mga sinehan kahapon.

Marami ang naaliw sa kanya kung saan gumanap siya bilang kapatid ni Kakai Bautista. Nakitaan ang naturang young actor ng timing sa pagpapatawa at hindi na nga gaanong nahahalata ang mali niya sa pagta-Tagalog.

Malamang na bigyan ito ng break ng Cineko Productions dahil marami ang natuwa sa kanya.

Malay natin, puwedeng ihanay si Mark sa mga guwapong komedyante

Maganda ang feedback sa pelikula nina Kakai at Ahron Villena, na pang-masa ang dating at walang pretensyon.

May eksena roon ang special guest nilang si Arci Muñoz na natawa kami nang husto. Hindi lang puwedeng i-reveal dahil iyun ang surprise sa pelikula.

Lalaban kaya itong Harry and Patty sa kasabay din ng BuyBust ni Anne Curtis, at marami pa ring mga sinehang naiwan sa Mission Impossible?

PAK: Maraming mga beauty queens ang kaagad na nagbigay ng words of encouragement sa pambato natin sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Pagkatapos inilabas ang official statement na sa Thailand gaganapin ang Miss Universe na naka-schedule sa December 16, 2018, nag-post agad si Catriona ng video ng mga kuha niya sa naturang bansa.

Sabi niya; “Sawasdee Ka Thailand!!! Sooo excited that the rumors are true and that it’s finally official!!! @msuniverse to be held in Thailand December 2018. So excited to go back to one of my favorite travel destinations!!”

Umabot ng halos 150 thousand views ang post niyang iyun at mahigit dalawang libo ang nag-comment na pawang pa-good luck sa kanyang paglaban sa Miss Universe.

Mga kasamahan niya sa Binibining Pilipinas ang ilan sa mga nagbigay ng mensahe sa kanya pati ang mga dating titleholders na sina MJ Lastimosa at Valerie Weigmann.

Very positive ang mga feedback na makuha niya ang titulo. Sana nga!

BOOM: Parang katulad ng kay Diego Loyzaga ang nangyari kay Alice Dixson na ang daming nag-react nang ipinost nito ang kuha niya sa Boracay.

Doon kasi siya nag-celebrate ng kaarawan niya, at ipinost niya ang selfie na kuha sa naturang isla.

Marami ang nag-comment na nagkukuwestiyon kung paano na-allow ang aktres na pumunta sa Boracay gayung sarado pa ito. May palakasan daw ba ito?

Kaagad na naglabas ng statement ang resort na tinirhan doon ni Alice na wala siyang nilabag na batas dahil asawa pala siya roon ng isa sa mga top executives ng Crimson Resort and Spa Boracay.

Ang sabi ng statement inilabas ng Chroma Hospitality, Inc. ang management company ng Crimson Resort, pinagdiinan nilang wala silang nilabag na batas, at sumunod sila sa closure and rehabilitation order for Boracay Island pursuant to Executive Order 53 series of 2018.

Bahagi ng statement na ipinadala nila; “Ms. Dixson is the wife of a top executive of Crimson Resort & Spa Boracay. They are both residents of the island with proper documentation. This has been confirmed and verified during an inquiry done by the Department of Interior and Local Government.”

Dagdag pang pahayag na nakasaad sa statement na ipinadala ng Chroma Country Manager na si James Montenegro; “We continue to support the government’s initiative to rehabilitate  the island to ensure its long-term sustainability and we look forward to welcoming our valued guests here at Crimson Resort and Spa Boracay, once the island reopens.”

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with