^

PSN Showbiz

Kampo ni Vhong tuloy ang ibang kaso kina Cedric, Deniece!

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kampo ni Vhong tuloy ang ibang kaso kina Cedric, Deniece!
Vhong

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan na ngayon ng King of Talk na si Boy Abunda ang kanyang talk workshop na gagawin sa August 3 hanggang 5 na magsisimula ng alas-dos ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.

Hindi lang daw ito pag-aaral para maging maga­ling na host o mahasa sa public speaking kundi para ma-improve ang communication skills. Kung paano sumagot sa mga question and answer portion sa isang contest, sa isang job interview, o kaya maki­pag-usap sa iyong boss.

Sabi nga ni Kuya Boy; “Naniniwala ako sa ka­sabihang practice makes perfect.

“Kailangan ng preparation, practice at patience. How do you ward off awkwardness, jitters habang nakatayo ka sa stage and presenting to the crowd that your idea is the best in the world.”

Gagawin ang naturang workshop sa Mezzanine Multifunction Hall, 106 BluPoint Bldg., Kamuning Road, QC.

Sa mga interesadong sumali sa talk workshop ni Kuya Boy, puwede ka­yong tumawag sa office ng Asian Artists Agency, Inc. telepono 4054423 at 8554765 o kay Avel Juan sa 09772548424. Puwede ring mag-email sa [email protected].

 Sabi ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga, hindi pa tapos ang kaso nila kay Cedric Lee at sa mga kasamahan nito.

“May nakabinbin pa tayo na kasong serious illegal detention, nag-rest na kami dito. Ibig sabihin, ngayon ay turn na ng defense. Sila na magpiprisinta ng evidence ngayon.

“Meron pang perjury cases na nakabinbin against kina Deniece, Zimmer, Raz and Cedric Lee.

“Let’s all pray for the best,” pahayag ni Atty. Mallonga.

Akala raw kasi ng iba, pagkatapos nadesisyunan ang kasong Grave Coer­cion na kung saan nahatulan sina Cedric, Deniece Cornejo at iba pang kasamahan nang pagkakulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon, tapos na iyun.

Meron pa raw ibang kasong dinidinig, at kampante naman ang kampo ni Vhong na nai-present nila ang lahat na ebidensya at ilan pang puntos para mapatunayang totoo ang akusasyon nila.

Sa ngayon ay nasa laya pa rin ang mga akusado dahil puwede pa raw silang mag-apela at maaring paabutin pa ito sa Supreme Court.

Matagal at mahaba talaga ang pinagdaanan nito, at malaking challenge nga raw ito kay Atty. Mallonga na humahawak nitong kaso ng halos limang taon na.

“Mahirap in the sense that…parang ang laki ng responsibilidad mo… na ang feeling mo na kung matalo ka, ibig sabihin ba nagsisinungaling si Vhong?” saad ng legal counsel ni Vhong.

“Ang laki ng responsibility na depende na kung ano ang mangyari sa kaso dun nakasalalay kung totoo o hindi ang kanyang sinasabi. Samantalang sigurado kami na yun ang katotohanan.

“The difficulty is to make sure that the truth is translated in terms of the court process, kasi may proseso na at the end of the day ma-achieve sana na yung lahat na paghihirap mo, madidinig ka ng court. And the decision reflects your truth,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with