^

PSN Showbiz

Sarah natutong maging independent!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sarah natutong maging independent!
Sarah

Sa August 22 na ipapalabas ang local adaptation ng Korean hit movie na Miss Granny na ipinalabas sa South Korea at Amerika nung 2014. Ito’y pinagbibidahan ng Pop Princess na si Sarah Geronimo, James Reid, Nova Villa at Xian Lim mula sa direksiyon ng box office director na si Joyce Bernal under Viva Films.

Sarah turned 30 kaya tiyak na may surprise celebration at birthday gift para sa kanya ang kanyang boyfriend of more than four years, ang actor-entrepreneur na si Matteo Guidicelli. 

Still on Sarah and Matteo, nagtataka ang kanilang mga supporters kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya­yaya ng actor ang girlfriend na magpakasal considering na mahigit apat na taon na rin ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Magmula nang maging magkasintahan sina Sarah at Matteo ay natutong maging independent ang Pop Princess sa kanyang mga decisions be it pagdating sa personal na bagay o maging sa kanyang career.

Hollywood movie ni Kris makakasabay si Sarah sa mga sinehan

Sabay ang showing sa Pilipinas on August 22 ng Miss Granny at ang movie adaptation ng Crazy Rich Asians mula sa libro ng popular Singaporean author na si Kevin Kwan na dinirek ni Jon M. Chu.

Ang Crazy Rich Asians ay pinagbibidahan ng mga Asian actors sa Hollywood tulad nina Constance Wu, Henry Golding, Michelle Yeoh, Awkwafina, Gemma Chan, Chris Pang, Harry Shum, Jr., Ken Jeong, Sonoya Mizuno, ang Filipino-American actor na si Nico Santos at iba pa at kung saan may special guest appea­rance si Kris Aquino who plays the role of Princess Intan.

If only for Kris, marami ang curious na panoorin ang pelikulang Crazy Rich Asians movie dahil gusto nilang mapanood ang participation ng Pinay TV host-actress-celebrity endorser at entrepreneur sa pelikula.

Direk Jason ayaw ipagkumpara ang mga ginawa nina JC at Bela

Dalawang pelikula ng batang director na si Jason Paul Laxamana (30) ang kalahok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula sa darating na August 15 – 21, 2018, ang The Day After Valentine’s na pinagtatambalan nina Bela Padilla at JC Santos at ang Bakwit Boys, isang romantic musical movie na tinatampukan naman nina Ryle Santiago, Nikki Natividad, Mackie Empuerto at Vance Larena at kung saan tampok din ang dating Kapamilya talent na si Devon Seron.

Si Direk Jason din ang nagdirek ng pelikulang 100 Tula Para Kay Estela na unang tambalan nina Bela Padilla at JC Santos at nanguna sa takilya sa ­unang taon ng PPP last year.

Ayaw magkomento ni Direk Jason kung alin sa dalawang pelikula na dinirek niya ang gusto niyang manguna sa takilya sa PPP.  Ang mahalaga raw ay pareho niyang ipinagmamalaki ang dalawang pelikula na magkaiba ng tema.

“Ang mga manonood na ang dapat humusga,” simple niyang tugon sa presscon ng Bakwit Boys na produced ng T-Rex Entertainment.

vuukle comment

MISS GRANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with