^

PSN Showbiz

Indie films hahataw sa ghost month

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Indie films hahataw sa ghost month
Signal Rock

Alden non-showbiz ang target na babae!

PIK: Sa pagpasok ng buwan ng Agosto, na sinasabi nilang malapit na ring magsimula ang ghost month, magkakasunod na mga indie films ang magsu-showing bukod sa BuyBust na pambuwena mano sa August 1.

Kasabay ng BuyBust ang Harry & Patty na kumpiyansa ang Cineko Productions na kakagatin ang kakaibang comedy nila na idinirek ni Julius Alfonso.

Sa August 3 naman ay magsisimula ang Cine­malaya Independent Film Festival na matatapos hanggang August 12. Sampung indie films ang maglalaban na mukhang interesting kung ikumpara nung nakaraang taon.

Ang BuyBust din ang opening film nito.

Pagkatapos ng Cinemalaya, sa August 15 na rin magsisimula ang Pista ng Pelikulang Pilipino na kung saan walong pelikula naman ang ipalalabas sa halos lahat ng sinehan.

Maganda rin ang line-up nito, pero uunahin ko ang Signal Rock na kinarir nang husto ni direk Chito Roño.

Inaasahang susuportahan ito ng mga manonood kahit may mga malalaki ring Hollywood films na ipalalabas.

PAK: Open na pala ngayon si Alden Richards sa posibleng ma-inlove at magkaroon na ng babaeng magbibigay sa kanya ng inspirasyon.

“Oo nga po. Para maiba naman po.

“This year po, bakit hindi? Kailangan ko na po siguro bigyan ng time,” nakangiting sagot ni Alden nang tinanong namin kung ready na ba siyang ma­kipag-date kahit punung-puno ang schedule niya.

Nabuo ang magandang friendship nila ni Maine Mendoza, pero hindi na-develop romantically, posible kaya siyang ma-fall sa ilang leading ladies niya sa Victor Magtanggol?

Si Janine Gutierrez, may Rayver Cruz naman. Si Andrea Torres ay mukhang focused lang sa trabaho muna, pero ang baguhang si Reese Tuazon na napakaganda at nakitaan naming tila bagay ito kay Alden.

Napangiti lang ang Pambansang Bae.

“I never close my doors po when it comes to ­being romantically involved to my co-actors po. Pero I’m not closing my doors po to be romantically involved po outside showbiz,” pahayag ni Alden.

Pero sa ngayon ay focused muna sa Victor Magtanggol na magsisimula na sa GMA Telebabad mamayang gabi.

BOOM: Nag-text sa akin ang ilang loyal KathNiel fans kahapon ng umaga; “In 9 hours after i-launch yung teaser ng The Hows Of Us (THOU) ay naka-2 million views na siya agad at trending siya sa social media po.”

Nag-trending nga ang hashtag na #TheHows­OfUsTeaser, at kahapon din ay lumabas na rin ang poster.

Naka-isang linggo rin daw nag-shooting sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Amsterdam at puspusan na ang shooting nila dito na karamihang eksena ay kuha sa Mendez, Tagaytay, para umabot sa playdate nito sa August 29.

Ngayon pa lang ay inaayos na raw ng mga KathNiel fans ang mga block screening na i-sponsor ng iba’t-ibang fans club, at mga maya­yamang supporters.

May kumpiyansa raw silang tatabo ito nang husto sa takilya at target nilang malagpasan ang kinita ng Sid and Aya na so far ang pinakamataaas na kinita ng mga local films na ipinalabas ngayong taon.

Maaring dito raw makabawi ang Star Cinema na hindi gaanong kumita ang mga pelikulang ipina­labas ngayong taon. Sunud-sunod ang semplang mga prinoduce nila.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with