^

PSN Showbiz

Young actress tinawag na ‘higad’, ibang lalaki ang inaasikaso ‘pag ‘di kasama ang dyowa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi kagandahan ang mga kuwentong umiikot tungkol sa isang young actress. Ang tawag sa kanya ngayon ng iba naming mga katrabaho ay higad. Sa kung anumang interpretasyon meron ang katawagang ‘yun ay bigay na bigay na.

Meron na siyang karelasyong artista rin, malalim na ang kanilang relasyon, pero bakit kaya kailangan pang makipagmabutihan sa ibang lalaki ang young actress?

Napakalawak ng naaabot ng social media, wala nang maitatago ang kahit sino ngayon, lalo na ang mga kilalang personalidad. Du’n nabuking ng karelasyon niyang aktor ang milagrong ginawa niya.

Kuwento ng aming source, “Akalain n’yo ‘yun? Sobra ang pagmamahalan nila, hindi nila inaamin ‘yun publicly, pero kitang-kita naman ang init ng love nila sa isa’t isa sa harap ng mga camera.

“Tanggap na sila ng mga families nila, kaibigan na ng girl ang mga kapatid ng male persona­lity, ganu’n din ang guy, wala siyang problema sa pamilya ng babae.

“Pero bakit nagkaganu’n ang sitwasyon? May kulang pa ba ang young actor sa ibinibigay na love para sa kanya? Anyare? Bakit kumuha pa siya ng iba?” sunud-sunod na tanong ng aming source.

Very generous kuno ang girl, anumang magustuhan ng male personality, give niya agad-agad. Mahilig sa sapatos ang lalaki, hindi man ito humihingi, alam na agad ng babae ang kanyang gagawin.

“Kung tutuusin, magkahiwalay man sila talaga nang tuluyan ngayon, e, luging-lugi ang girl sa relasyon nila. Sa sobrang pagiging generous ng girl, talung-talo siya sa laban.

“’Yun ngayon ang kuwento. Kaya raw pala sinusunod ng girl ang layaw ng guy, e, dahil may ginagawa siyang milagro. Sa mga panahong hindi pala sila magkasama, e, may ibang inaasikasong guy ang babae.

“Nawalan na ng tiwala sa kanya ang lalaki, pati ang mga kapatid niya, ewan na lang kung magkakasundo pa rin sila sa kabila ng nangyari.

“Baka naman nagpaniwala lang ang guy sa mga balitang nakarating sa kanya, baka naman sobrang selos lang ang nangyari sa guy, pero wala namang katotohanan na nakipagchurvahan sa ibang guy ang girlfriend niya.

“Kasi naman, di ba, ayaw mamatay-matay ng balitang may gay benefactor kuno ang guy. Baka naman naghiganti lang sa kanya ang girl, puwede rin naman ‘yun, di ba?” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Cogie bubuhayin ang career, tutok na sa pagbabawas ng timbang!

Abalang-abala ngayon si Cogie Domingo sa pagdyi-gym. Kailangan niyang magbawas ng timbang. Hindi naman siya kalakihan, pero hindi ‘yun ang hinihinging timbang sa harap ng mga camera, kailangan niya talagang magsakripisyo.

May plano sa kanya ang isang produksiyon, gagawa siya ng pelikula sa ibang bansa na ang iikutan lang ng kuwento ay ang kanyang leading lady, kung galing sa pag-arte ang pag-uusapan ay wala nang kuwestiyon sa kapasidad ng guwapong aktor.

Habang nagsisikap siyang magbawas ng timbang ay kasama siya ngayon sa pelikulang Gulong Ng Palad ng Cineko Productions ng pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Gabby Concepcion sa pamamahala ni Direk Laurice Guillen.

Magaling na aktor si Cogie, pero dala ng kabataan niya nu’n ay naging pabaya siya sa disiplina, ikinambal sa kanya nu’n ang salitang “the late Cogie Domingo.” Palagi kasi siyang late na dumarating sa kanyang mga kompromiso.

Pero nagbabago naman ang tao, pati ang kanyang mga prayoridad sa buhay, habang lumilipas ang panahon. Ngayon ay seryoso na siyang harapin ang kanyang pag-aartista, alam na niya ang tama at mali, hindi siya puwedeng pagpasensiyahan ng produksiyon habambuhay.

Kung nakaranas lang ng hirap sa buhay si Cogie Domingo ay mababalanse niya ang lahat. Pero marami namang personalidad na galing din sa buena familia pero mahal nila ang kanilang propesyon.

Harinawang hindi pa huli ang lahat para sa pagseseryoso ngayon ni Cogie Domingo.

vuukle comment

COGIE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with