^

PSN Showbiz

Nathalie magtatrabaho agad pagkapanganak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nathalie magtatrabaho agad pagkapanganak
Nathalie

Apat na buwan na nga­yon ang ipinagbubuntis ni Nathalie Hart sa kanyang Indian boyfriend na isang businessman. Nakatakdang magpakasal ng magkasintahan sa Australia sa December. 

Napaiyak umano ang sexy actress nang malaman na nagdadalang-tao na siya. “Umiyak ako kasi it’s not funny. Iba ‘yung may tinutulungan kang pamilya. My God, paano ‘to? Wala pa akong masyadong naipon, napundar. In a way, manghihina­yang ka rin kung ano ‘yung meron ka ngayon, ‘yung pwede mo pang makuha. Ngayon I cannot think like that kasi siyempre kung negative ka, negative din ‘yung pregnancy ko. I have to be positive,” kwento ni Nathalie.

Kahit kabi-kabila ang ginagawang proyekto ng aktres ay hindi naman daw sumagi sa kanyang isipan na ipalaglag ang ipinagbubuntis. “Naisip ko, ‘Ready na ba ako?’ but I never thought, ‘Ay! Magpapalaglag ako dahil I’m going to save my career.’ No way! Hindi ko iisipin ‘yon. Mas gusto kong mawalan ng career at ituloy ko na lang ‘to. Kaysa naman one day, I will regret ‘yung ginawa ko,” pahayag ni Nathalie. 

Siyam na pelikula pa ang nakatakdang gawin dapat ng aktres sa kanyang napirmahang kontrata kaya siguradong babalik pa rin sa trabaho pagkatapos nitong manganak. “Babalik pa ako,” giit ni Nathalie.

Janine nabago na ang buhay

Puspusan ang ginawang pag­hahanda ng Tawag ng Tanghalan Season 2 grand champion na si Janine Berdin para sa TNT All Star Showdown na gaganapin sa Araneta Coliseum bukas. Ayon sa singer ay dapat pakaabangan ng kanyang mga tagahanga ang kan­yang mga kakantahin bukas sa nasabing concert. “Siyempre po ‘yung mga minamahal ninyo po na kanta na pinerform po namin during Tawag ng Tanghalan, during the competition, and mga songs din po na hindi n’yo pa naririnig galing sa amin,” bungad ni Janine. Para sa dalaga ay marami na ang nabago sa kanyang buhay mula nang manalo sa TNT kamakailan. “Ma­rami na pong nakakakilala sa akin. And ‘yung pinaka-significant na nag-change sa buhay ko is, siguro po ‘yung love ko for music, mas nag-grow po. Siguro po dahil nagkaroon na ako ng confidence i-share,” nakangiting pahayag ni Janine.

Malaking bahagi sa perang napanalunan ng singer ay inilaan sa pagpapagamot ng lola ni Janine. “’Yung lola ko po kasi ‘yung pinrioritize ko po. So inalay ko po ‘yung pera ko po for her dialysis. ‘Yung grandparents ko po sa mother side ko po. Inalayan ko din po kasi need po nila ng financial (assistance) for their medical needs po,” pagbabahagi ni Janine.

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with