Halik hahatulan!
Magtatapos na ngayong araw ng Biyernes ang primetime TV series na Since I Found You na tinatampukan nina Piolo Pascual, Arci Muñoz at JC de Vera kasama sina Alessandra de Rossi, Empoy Marquez at iba pa.
Simula naman sa darating na Lunes, eere na ang bagong serye na Halik na pinagbibidahan naman nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion na magkatulong na pinamamahalaan nina Cathy Camarillo at Carlo Po sa ilalim ng business unit head na si Ruel Bayani.
Kasama rin sa nasabing bagong primetime TV series sina Amy Austria, Alan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane de Leon at Gab Lagman.
First time ng apat na stars na sina Jericho, Sam, Yen at Yam na magsama sa isang TV series. Si Jericho ay huling napanood sa seryeng Magpahanggang Wakas in 2016 at sa pelikulang Siargao nung nakaraang 2017 Metro Manila Film Festival. Huling TV series naman ni Sam ang Doble Kara na pinagtambalan nila ni Julia Montes at last movie naman niya ang Ang Pambansang Third Wheel opposite Yassi Pressman na ipinalabas early this year. Si Yen naman ay napanood sa Wildflower at last movie naman niya ang Northern Lights: A Journey to Love na pinagtambalan nila ni Piolo Pascual habang si Yam ay huling napanood nung isang taon sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa apat na stars ng Halik, si Jericho lamang ang may asawa (since 2014), ang Australian model na si Kim Jones.
- Latest