^

PSN Showbiz

Robin walang kabalak-balak maging pulitiko

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robin walang kabalak-balak maging pulitiko
Robin

Kahit may ilang nag-aalok kay Robin Padilla na pasukin ang mundo ng pulitika ay hindi raw ito sumasagi sa isipan ng aktor. Mas pinipili pa rin ni Binoe ang pagiging artista na lamang para sa kanyang pamilya. “Ang pulitika kasi, hindi niya maibibigay ang kinikita ko. Kasi hindi naman ako papasok sa isang trabaho na ‘yung mga anak ko nag-aaral sa abroad. ‘Pag ako ginawa mong senador, magkano lang ang sweldo no’n. Uuwi ‘yung lahat ng anak ko dito. Magagalit sa akin ‘yon. Sasabihin nila, ‘Anong nangyari?’” bungad ni Robin.

Ayon sa aktor ay hinding-hindi niya iiwan ang show business para ipagpalit ang pagiging isang pulitiko. “Siyempre hindi ko isasakripisyo ang show business. Mahal na mahal ko ang trabahong ito at nakakatulong naman ako ng direkta pa. Kasi nakita ko naman ‘yan sa pulitika ang tagal ng red tape. ‘Pag may humingi na tao, dadalhin ‘yung sulat sa ganito, bago makarating, ‘yung tao namatay na, humihingi ng pang-ospital eh. Ang mangyayari babalik na lang pang-burol na lang ang kailanganin. Gano’n kabagal ang bureaucracy. Eh ang sitwasyon ko ngayon ang bilis eh. ‘Pag may humingi ng tulong sa ‘yo, ‘yun na kaagad eh. Hindi ka naman humihingi ng pabalik, ‘yung pulitika sa tabi lang ‘yan,” makahulugang pahayag ni Binoe.

“Madaming nagsasabi mataas ako sa ratings. Hindi pa ako nagdedeklara, ‘pag nagdeklara mas mataas pa. Ang tanong, anong gagawin ko do’n? Upakan ko ‘yung mga makukulit? Kasi ‘yun lang ang alam ko sa buhay ko, mang-upak. Eh minsan lang ako manood ng hearing do’n sumasakit ang ulo ko. Isang word lang, pagtatalunan ng limang oras. Pambihira, hindi ako para do’n,” natatawang pahayag ng aktor.

Direk Erik hinding-hindi na sasali MMFF!

Pang-Metro Manila Film Festival pala dapat ang pelikulang BuyBust na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Ayon sa direktor nitong si Erik Matti ay hindi nakapasa sa pamunuan ng MMFF ang script ng nasabing proyekto. “Sinubmit namin ito noon sa MMFF, script lang, two years ago. Siyempre hindi ko naman mapa-promise no’ng time na ‘yon kung anong mang­yayari sa BuyBust. Hindi ko masasabi na maganda ito, na tatauhin ito at maraming manonood,” kwento ni Direk Erik.

Aminado ang batikang direktor na talagang nasaktan siya sa naging desisyon ng pamunuan ng MMFF. “Masakit pa rin na hindi ka tinanggap. Parang ang sinasabi, hindi maganda ang pelikula mo over all the others na pinili. Nagmumukhang pangit ‘yung pelikula na ginagawa namin eh. Kasi hindi siya na-consider, hindi siya napili,” paliwanag ng direktor.

Ayon kay Direk Erik ay hindi na raw siya muling magbabalak na makalahok ang kanyang mga gagawing pelikula sa MMFF. “Hindi na, ayoko na, kasi napapahiya ako eh. I mean, magsa-submit as a company for negosyo, magsa-submit kami na hindi ako ‘yung director, okay lang ‘yon. Pero ako personally ayoko nang sumali,” giit pa niya.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with